Pinoy karateka James De Los Santos, pang-anim sa World Virtual Kata Rankings at actual world ranking

  • Pinoy Karateka James De Los Santos, naiuwi ang silver medal sa katatapos na e-Kata tournament
  • Siya na ngayon ang pang-anim sa World Virtual Kata Rankings
  • Pang-anim din si De Los Santos sa World Ranking of the World Karate Foundation

Walang makatitinag sa pagmamahal ni Pinoy Karateka James De Los Santos sa larong karate at nagawang manalo ng ikalawang puwesto sa katatapos lamang na Sports E-Tournament World Series – Kata #2 na naganap mula May 12 hanggang May 24.

Image by James De Los Santos via Facebook

Dahil dito, si De Los Santos na ngayon ang pang-anim sa World Virtual Kata Rankings; maging sa aktuwal na World Ranking of the World Karate Foundation.

Nanaig ang Filipino national athlete laban sa 31 iba pang kalahok mula sa 23 bansang naglaro para sa e-tournament.

Sa kanyang Facebook post, sinabi nito na natalo niya ang mga kalahok mula Ireland (first round), Poland (second round), Hungary (quarterfinals), at Finland (semifinals).

Pero sa isang dikit na labanan sa huling round, nanaig ang kalahok mula sa Portugal na si Eduardo Garcia sa iskor na 24.2-24.5.

“I faced Portugal in the final round. It was a close fight, and ended up settling for silver. But I’m still very happy with the result, since it gives me more reasons to continue training amidst the COVID-19 pandemic, as well as this being my first time competing in a virtual world competition.

“Not only that, but I recently found out that SportData developed a world ranking system for virtual kata, just like how they organize rankings for WKF-sanctioned tourneys. There are two types: E-Tournament World Series Ranking and Actual World Ranking

“After joining the E-World Series, I’m now ranked no. 6 in both. Thank you God for this opportunity and keeping me in good health.”

Image by James De Los Santos via Facebook

Pinasalamatan din ng manlalarong Pinoy ang kanyang pamilya, mga tagapagsanay, at lahat ng sumusuporta sa kanya na aniya’y naggaganyak sa kanya para lalo pang pag-igihin ang pagsasanay.

Matatandaang nasungkit din ni De Los Santos ang bronze medal noong 2017 Southeast Asian Games.

Iba talaga ang galing ng Pinoy!

Image by James De Los Santos via Facebook

Loading…