Pisong papel, nagdala ng nostalgia

Naabutan mo ba ang pisong papel?

Waring ibinalik sa kahapon ang mga miyembro ng Facebook group na Memories of Old Manila pagkatapos i-post ng isa sa kanila ang larawan ng isang pisong papel.

“Inabot n’yo po ba itong ganitong pera?” tanong ng nag-post.

Maraming nag-iwan ng komento sa larawan ng sinaunang piso na gamit ng mga tao noon ilang dekada na ang nakararaan.

“Baon ko ‘yan no’ng Grade 1 ako. marami kang mabibili sa halagang ‘yan,” pagbabahagi ng netizen na si RR.

“Noon, piso mo madami na nabibili. Tuwang-tuwa na ‘ko ‘pag may papel sa wallet ko, lalo P5 papel at P2 papel lalo na may P10. ‘Pag meron ka n’yan sa wallet mo, maaliwalas pakiramdam ko,” kuwento naman ng isa pang netizen.

“Yes, marami ka na niyan na mabibili noon. Ngayon, kahit candy piso na. Hehehe,” komento ni NB na sinang-ayunan ng ilan; pagpapatunay na napakalayo na ng panahon na marami pang nabibili sa halagang piso.

“Naaalala ko pero masyadong bata pa ako no’n,” sabi naman ng isa pa.

Sa huling labas ng P1 bill, ang nasa harapan nito ay ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal habang ang nasa likod naman ay ang larawan ng Deklarasyon ng Philippine Independence.

Noong 1973, inihinto na ng Bangko Sentral ang paglilimbag ng nasabing salaping papel at pinalitan ito ng barya kasabay ng pagpapalabas ng “Ang Bagong Lipunan” series.

Bukod sa P1, mayroon din noong papel na P2, P5, at P10 na katulad ng nasa larawan na ibinahagi ni Arnold Tobias sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…