POGO at casino p’wede, cara y cruz bawal?: Associate Justice nagsabing dapat ipatupad nang parehas ang batas

  • Saksi ang mga korte sa mga naparusahan dahil sa paglalaro ng cara y cruz at pusoy
  • Iba ang trato ng batas sa mga POGO at casino
  • Nanawagan sa pamahalaan si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal – lokal man o banyaga

Magkaiba kung ituring sa ilalim ng batas ng bansa ang mga uri ng pagsusugal para sa mahihirap at sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at casino, ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Imahe mula sa Pilipino Mirror

Sa isang talakayan, sinabi ni Associate Justice Leonen na sa ilalim ng Presidential Decree No. 1602 o Anti-Gambling Law ay ipinagbabawal ang anumang uri ng “illegal or unauthorized activities or games.”

Saksi umano ang Metropolitan Trial Courts sa mga naparusahan dahil sa paglalaro ng cara y cruz, pusoy at iba pang mga games of chance na available sa mga mahihirap.

“PD 1602 punishes those that play cara y cruz on the streets and our Metropolitan Trial Courts are witness to many of the prosecution for those that are playing with the coins and a bit of money, pusoy, etc.,” sabi niya.

Subalit iba umano ang pagtrato sa mga POGO at casino sa ilalim ng batas.

“But on the other hand, of course, we see that at certain times big gambling like POGO and casinos are treated differently under our specific laws. You have PD 1602 for the poor, but you have PAGCOR franchising bigger gamblers and owners of casinos,” dagdag ni Leonen.

Screenshit mula sa FOCAP Forum video

Noong nakaraang Biyernes, ika-1 ng Mayo, nanawagan si Associate Justice Leonen sa pamahalaan na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal.

“As a citizen, I urge our leaders to prohibit all forms of gambling local or foreign.  What they bring in terms of revenues is not worth the lives they destroy, the politics they infect, health risks, and the values they instill,” aniya.

Ang ginawang panawagan ay kasunod ng pag-anunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na pinapayagan ang partial reopening ng mga POGOs sa kabila ng umiiral pa ring ECQ sa Metro Manila.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Loading…