Pokwang ibinahagi ang itinuturing na pinakamatinding pagsubok sa relasyon nila ni Lee O’Brian

Imahe mula sa Instagram | Pokwang
  • Ibinahagi ni Pokwang kung ano ang itinuturing niyang pinakamatinding hamon sa relasyon nila ng boyfriend na si Lee O’Brian
  • Para sa kaniya, ito ay ang panghuhusga ng mga tao na ginagamit lamang siya ng boyfriend, ngunit natutunan na nilang huwag itong pansinin dahil alam nila ang katotohanan
  • Limang taon na silang magkarelasyon at may dalawang taong gulang na anak na sila – si Malia

Itinuturing ng komedyanteng si Pokwang na pinakamatinding hamon sa relasyon nila ng Amerikanong boyfriend na si Lee O’Brian ang panghuhusga ng mga tao na ginagamit lamang siya nito.

Imahe mula sa Instagram | Pokwang

Sa panayam ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa isang episode ng “I Feel U” ay naging bukas ang komedyante sa pagbabahagi ng kaniyang saloobin nang tanungin tungkol sa biggest challenge ng kanilang relasyon.

“Actually hanggang ngayon pinagdadaanan pa rin namin…‘Naku gagamitin ka lang niyan.’ Hindi sila maka-move on sa ganun. May anak na kami, hindi pa ba sapat na katibayan ito na nagmamahalan kami? Na iniwan niya kung ano ang meron siya doon at hindi niya alam kung anong haharapin niya dito,” ani Pokwang.

Limang taon na silang magkarelasyon at may dalawang taong gulang na supling nang si Malia.

Imahe mula sa Instagram | Pokwang

Sa kabila ng sinasabing ito ng ibang tao ay alam daw ni Pokwang na ang mahalaga ay batid nila kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

“Dedma na lang kami kasi mas kilala namin ang isa’t isa e,” sabi ni Pokwang.

Nang tanungin kung ano ang kanilang sikreto upang mapanatiling matatag ang relasyon, nakangiting sinabi ni Pokwang na “trust and respect.”

Nang tanungin kung agad bang naramdaman ni Lee na may spark sila ni Pokwang, sinabi niyang “It was way after the shooting. It was after we premiered the movie here. That’s when I realized that maybe there’s a possibility.”

Nagkatambal sina Pokwang at Lee sa pelikulang “Edsa Woolworth” noong 2014.

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…