Pres. Duterte nagbabala sa mga LGUs na ayaw tumanggap sa mga nagsisiuwing OFWs

  • Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga LGUs na tanggapin ang mga nagsisiuwing OFWs na napatunayang walang COVID-19
  • Binalaan ng Pangulo ang mga LGUs na hindi tatanggap sa mga OFWs na nakatapos na ng mandatory 14-day quarantine
  • Ang warning ni Pangulong Duterte ay kaugnay ng pagkansela ng flight ng mga OFWs patungo sa Iloilo noong nakalipas na buwan

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGUs) na tanggapin ang mga nagsisiuwing overseas Filipino workers (OFWs) na napatunayang walang COVID-19 matapos na sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Screenshot mula sa RTVM video

Sa public address niya noong Lunes, ika-4 ng Mayo, sinabi ng Pangulo sa mga LGU officials na alamin kung walang dalang banta sa komunidad ang mga nagsisibalik na OFWs bago nila tanggapin sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nagbigay siya ng warning sa mga LGU na magdi-discrimintate sa mga OFWs sa pamamagitan ng hindi pagtanggap sa mga ito kahit nakatapos na sila sa mandatory quarantine at napatunayang walang sakit.

Makinig kayong local executives, the national government will insist that you accept the OFW. Magkakaroon ho tayo ng problema if you resist because, then, as a worker of government, it falls upon my shoulders to see to it that everything is done fair,” anang Pangulo.

Ang warning ni Pangulong Duterte ay kaugnay ng pagkansela ng flight ng mga OFWs patungo sa Iloilo noong nakalipas na buwan.

Kinalap umano ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. ang mga pirma ng mga local chief executives upang hilingin sa Civil Aviation Authority na huwag payagan ang flight ng mga OFWs patungo sa Iloilo dahil sa pangambang magdala ng virus ang mga ito.

Imahe mula sa The Filipino Times

“I heard also, I’m sure sa City of Iloilo, hindi ninyo tinanggap ‘yung mga OFW,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Sir, Mayor,nakikiusap ako sa inyo na sundin lang ninyo ‘guidelines. I will operate through the DILG. Kasi it’s either sumunod kayo or I will impose it on you. Sumunod kayo sa magandang paraan o pipilitin ko na sumunod kayo,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi makatarungan na ipagtabuyan ang mga OFWs dahil ang kanilang remittances ayone of the pillars of the country’s economy.”

Imahe mula sa DFA
Source :

PNA, Inquirer

Loading…