Sa gitna ng ECQ: Proposal na ilang beses nang naudlot, natuloy na sa tulong ng pamilya ng couple 

Imahe mula sa GMA News | Martina Bautista
  • Kahit may umiiral na enhanced community quarantine ay natuloy rin ang pinaplanong proposal ni Joe Josue para sa kasintahang si Martina Bautista
  • Makailang ulit nang naudlot ang kaniyang mga plano dahil sa COVID-19
  • Sa tulong ng kanilang mga kaanak ay tinanong ni Joe si Martina na ibinigay naman ang kaniyang matamis na oo.

Hindi napigilan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) ang matagal nang pinaplanong marriage proposal ni Joe Josue para sa kaniyang kasintahang si Martina Bautista.

Mag-isa lamang sa kaniyang condo si Joe kaya inimbitahan siya ng pamilya ni Martina na sa kanilang tahanan muna tumuloy habang may ECQ.

Imahe mula sa GMA News | Joe Josue

Ito ang dahilan kung bakit mas naging challenging para kay Joe na isakatuparan ang pinaplanong proposal para kay Martina na mahigit limang taon na niyang karelasyon.

“It was easy to coordinate with her mom to ask permission if it was okay to do it while in quarantine; her dad as well. It was maybe more difficult because most of the day, we’re together,” sabi ni Joe sa isang panayam sa GMA News.

Bago ito ay makailang ulit nang na-postpone ang kaniyang planong proposal dahil sa COVID-19. “I had originally planned to propose on a trip to Japan in February, but Martina decided not to move forward with the trip due to the coronavirus. Two other options didn’t work out due to ECQ coming into play,” paglalahad ni Joe sa isang panayam sa Manila Bulletin (MB).

Kinuhang pagkakataon ni Joe ang ECQ upang matuloy na ang kaniyang plano. Sa tulong ng messaging app na Viber ay tinulungan si Joe ng kanilang mga mahal sa buhay na pagplanuhan kung paano siya magpo-propose.

Imahe mula sa GMA News | Joe Josue

Naisip ng kapatid ni Martina na pagawain ito ng makeup tutorial sa pamamagitan ng Zoom kasama ang kanilang mga kaanak.

“Her sister had the clever idea of masking the Zoom call as a makeup tutorial, which Mart has been doing, so that she would look good at the proposal time,” sabi pa niya sa GMA.

Napaaga pa nang kaunti ang pagpasok ni Joe kaya naman nagulat si Martina nang makitang naka-pormal na bihis ito. Dito na nakita ni Martina ang mga hawak na placard ng mga kausap sa Zoom kung saan may mga salitang “Will you marry Joe?”

Makikita ang pagkagulat kay Martina bago niya binitawan ang kaniyang matamis na oo.

“Right now, our concern will be whether or not it’s responsible to plan a large wedding or an out-of-town wedding like we had originally hoped for,” sabi naman ni Martina sa MB.

Congratulations, love birds!

Loading…