Proud Kapamilya: Kuya Kim Atienza nagbigay-pugay sa pagiging bahagi ng TV Patrol sa loob ng 14 taon

  • Sinariwa ni Kuya Kim Atienza ang kanyang pagiging Kapamilya sa loob ng 16 taon
  • Sinabi rin nito na 14 taon na rin siyang host ng TV Patrol na prime newscast ng ABS-CBN
  • Isa kasi si Kuya Kim sa mga award-winning host ng Kapamilya network

Isa sa mga pinakahinahangaang bahagi ng ABS-CBN News and Current Affiars ang tinaguriang ‘Bagong Ernie Baron’ at kuya ng bayan na si Kim Atienza. Pinabilib ni Kuya Kim ang mga manonood dahil sa kanyang angking katalinuhan at pagiging malapit sa iba’t ibang hayop lalo na sa mga exotic animals.

Napasama si Kuya Kim sa primetime newscast ng Kapamilya network na TV Patrol noong 2004 bilang isang weather forecaster. Pero naging iconic ang pag-uulat ni Kuya Kim sa “Weather-Weather Lang” segment dahil sa mga trivia niya matapos ang ulat panahon.

Larawan mula sa Instagram post ni Kuya Kim Atienza

Madalas na may dala si Kuya Kim na exotic animal na alaga niya rin at nagbibigay ng iba’t ibang trivia tungkol dito. Dahil dito, inaabangan na ang laging paglabas ni Kuya Kim sa TV Patrol dahil excited, lalo na ang mga bata, sa dalang kaalaman ng host.

At ngayong may enhanced community quarantine (ECQ), tuloy pa rin ang trabaho ni Kuya Kim at mga news anchors ng TV Patrol. Nagbigay-pugay si Kuya Kim sa kanyang mga kasama at sa pagiging bahagi ng show sa loob ng 14 taon.

Proud rin si Kuya Kim sa pagiging Kapamilya sa loob ng 16 na taon at nagkaroon siya ng mlalaking oportunidad sa telebisyon at naging isang kilalang endorser din ng mga produkto. Nagkaroon din siya ng kaliwa’t kanang awards sa pagiging mahusay na host.

“Fourteen years with this show (TV Patrol), 16 years with this company. Proud to be of service to the Filipino at the time of C0VID-19,” pahayag ni Kuya Kim sa isang Instagram post.

Larawan mula sa Instagram post ni Kuya Kim Atienza

Maliban kasi sa pagiging segment host ng TV Patrol, host din si Kuya Kim ng science infotainment show sa Matanglawin na nagsimula noong 2008. Pinasaya rin ni Kuya Kim ang madlang pipol nang maging isa sa original host ng It’s Showtime kung saan nakita ng mga manonood ang ibang personalidad niya.

Nahaharap ngayon sa alanganin ang prangkisa ng TV network na ABS-CBN kung saan kabilang si Kuya Kim. Kasalukuyang dinidinig ngayon ang tungkol sa franchise ng network na nag-expire na noong Mayo 4, 2020.

Loading…