Public school teachers bibigyan ng P3,500 allowance para sa June – DepEd

  • Bibigyan ng P3,500 cash allowance ang mga public school teachers sa buwan ng Hunyo
  • Gagamitin ang cash allowance na pambili ng teaching supplies and materials para sa school year 2020-2021
  • Itinakda ng DepEd ang school opening sa ika-24 ng Agosto ngayong taon

Nakatakdang i-release ng Department of Education (DepEd) sa susunod na buwan ang cash allowance na nagkakahalaga ng P3,500 para sa mga public school teachers.

Screenshot mula sa Mata ng Agila video

Sa pamamagitan ng isang memorandum na may petsang May 4, 2020 na naka-address sa mga regional directors, schools division superintendents, heads of finance divisions/units at sa lahat ng iba pang kinauukulan, nagbigay ng advisory si DepEd Undersecretary for Finance na si Annalyn Sevilla kaugnay sa release at payment ng Fiscal Year 2020 Cash Allowance sa mga guro.

Sa  nasabing advisory, sinabi ni Usec. Sevilla na ang P3,500 cash allowance ay ire-release upang magamit ng mga classroom teachers na pambili ng mga “teaching supplies and materials” para sa school year 2020-2021.

“The P3,500 cash allowance shall be released to teachers in June 2020,” sabi ni Usec. Sevilla sa memorandum.

Dagdag pa niya, “The Department of Education Regional Offices must ensure that the allotment shall be released to Schools Division Offices on or before May 15, 2020.”

Imahe mula sa DepEd

Sa nasabing memo, sinabi pa ni Usec. Sevilla na ang DepEd Central Office ay maglalabas ng hiwalay na “policy guidelines” upang hayaan ang mga public school teachers na gamitin ang cash allowance para sa teaching supplies and materials na may kaugnayan sa ginagawang paghahanda sa paglipat sa Learning Continuity Plan (LCP).

Ang LCP ay isang set ng mga guidelines na ginawa bilang tugon ng DepEd sa coronavirus crisis.

Imahe mula sa DepEd

Idinedetalye sa LCP ang pagbabago sa K-12 curriculum, ang iba’t ibang modes of learning na ipatutupad ng mga paaralan sa bagong school year at ang homeschooling training para sa mga guro, mga magulang at guardians.

Itinakda ng DepEd ang school opening sa ika-24 ng Agosto ngayong taon.

Loading…