Pusa na naki-join sa ‘Hep Hep Hooray,’ naghatid ng good vibes sa netizens

  • Patok sa social media ang video ng pusa na nakisali sa “Hep Hep Hooray” challenge
  • Marami ang naaliw dito lalo na sa parte kung saan nakikisabi ng “Hooray” ang alagang pusa
  • Agad namang nag-viral ang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Dahil sa ilang linggong pagpapairal ng enhanced community quarantine sa iba’t ibang lugar at probinsiya sa Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang kinailangan huminto muna sa pagtatrabaho upang manataling ligtas kani-kanilang tahanan.

Imahe mula sa Facebook video ni Marie Francis Añasco

Marami man ang hindi muna nakapaghahanapbuhay sa mga panahong ito, hindi naman maitatanggi na mayroon pa ring mabuting naidudulot ang ECQ sa ilan sa ating mga kababayan.

Kahit papaano ay napoproteksiyunan ng ilan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ng awtoridad, habang ang iba naman ay nagkakaroon ng pagkakataon na maka-bonding ang kanilang pamilya habang nasa loob ng kanilang bahay.

Sa Facebook, naghatid naman ng good vibes ang isang video na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Marie Francis Añasco.

Mapapanood sa video na kaniyang in-upload sa social media noong May 6 ang nakaaaliw na “pagsali” ng kaniyang alagang pusa sa “Hep Hep Hooray” challenge.

Naging instant social media star ang cute na alaga dahil sa ilang ulit nitong tila “pagsabi” ng “Hooray” sa tuwing maingat na itinataas ang kaniyang dalawang paa.

Makikita rin sa video ang pagyakap ni Marie sa alaga matapos ang pakikipagkulitan rito sa video. Agad ring nag-viral ang post ng netizen at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Ang taba-taba naman niyang tummy na ‘yan,” sabi ni GLH na hindi naitago ang tuwa sa pusa.

“May nanalo na,” biro ni JN matapos mapanood ang video.

“Hahaha bigyan ng jacket yan,” natatawang sabi ni RA. Pagpapatuloy pa ng kaibigan nitong si JTA, “saka Cherry Mobile at Pampanga’s best.”

“Medyo nasusura ako kasi parang ‘di trip ng pusa pero natatawa din ako. Hahaha!” pag-amin naman ni JB pagkatapos i-share ang video sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…