Quarantine birthday celebration: Rochelle Pangilinan emosyonal sa drive-by surprise ng mga kaibigan

Imahe mula sa YouTube | The Solinaps
  • Nakaisip ng pakulo ang mga kaibigan ni Rochelle Pangilinan upang surpresahin siya sa kaniyang kaarawan
  • Drive-by surprise ang naisip nilang konsepto, kung saan isa-isang dadaan ang sasakyan ng kaniyang mga kaibigan upang batiin siya at mag-abot ng regalo
  • Ani Rochelle, malaking bagay ito para sa kaniya dahil matapos ang ilang buwan ay noon na lamang niya muling nakita ang mga kaibigan

Balak sanang palipasin na lamang ni Rochelle Pangilinan ang kaniyang ika-38 na kaarawan noong May 23 ngunit laking gulat niya nang magawan ng paraan ng asawa niyang si Arthur Solinap at ng kanilang mga kaibigan na surpresahin siya sa pamamagitan ng pagda-drive-by sa kanilang tahanan.

Imahe mula sa YouTube | The Solinaps

Kuwento ni Arthur sa kanilang vlog, hihingi sana siya ng video greetings mula sa mga kaibigan ngunit naisip niyang marami na ang gumawa nito dahil normal ito dahil sa kalagayan ng bansa ngayon.

Isang kaibigan ang nakaisip ng konseptong “drive-by surprise,” kung saan sakay ng kotse ay isa-isang dadaan ang kanilang mga kaibigan sa tapat ng kanilang bahay upang batiin si Rochelle at iabot ang kanilang mga regalo.

Sabi ni Rochelle, malaking bagay ito para sa kaniya dahil matapos ang ilang buwan ay muli niyang nakita ang malalapit na kaibigan.

Imahe mula sa YouTube | The Solinaps

“Noong nakita ko yung mukha nila, kahit sa malayo, naiyak ako kasi na-miss ko yung mga mukha nila sa tagal nang hindi nakita na parang dati every day, every time na makikita mo nandiyan lang sila,” paliwanag ni Rochelle.

Na-appreciate niya raw ang effort ng mga kaibigan sa pagpunta sa kanilang bahay at pagdadala ng mga surpresa kagaya ng cake, lobo, at banner. “Ang surreal kaya ako naiyak. Simple pero ibang klaseng celebration itong 2020,” dagdag niya pa.

Bukod sa mga kaibigang personal na bumisita ay nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nakaalala sa kaniyang kaarawan. “Maraming maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa Facebook, Instagram, Twitter, text, Viber. Maraming salamat hindi ninyo nakalimutan yung mahalagang araw para sa akin,” pagtatapos ni Rochelle.

Panoorin dito ang video:

Source :

YouTube

Loading…