Quiboloy sunod umanong ipapa-STOP ang mga telco na mabagal, papalitan ng mas mabilis

  • Sunod umanong ipatitigil ni Pastor Apollo Quiboloy ang Smart, Globe at PLDT
  • Ito ay dahil sa mataas na singil pero mabagal ang internet connection sa bansa
  • Papalitan umano ito ng mas mabilis at mura o libre

Matapos matigil ang pag-ere ng ABS-CBN dahil sa isyu sa prangkisa at trapik sa EDSA na dulot naman ng COVID-19, sunod umanong ipananalangin ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagpapatigil sa mga mababagal na telecommunication companies sa bansa.

Image capture of video by SMNI/Aaron Funa via YouTube

“Smart, Globe, PLDT, o mga may-ari ng mga telco mahiya naman kayo. Sa buong mundo, tayo ang pinakamabagal, pinakamabagal tapos ang laki-laki pa ng singil ninyo,” sabi nito.

Dagdag niya, “Ipa-stop na natin siguro ‘yung mga telco ninyo. Palitan ng iba na mas mabilis at mura kung magpapabayad man o kaya libre. O, idalangin ko ‘yan a.”

“Gagawa ng paraan ang Ama na ang telcong mabagal, STOP, telcong mabilis, COME IN. Kung bayad man, konti lang, o ‘di kaya’y libre lang. Idadalangin natin ‘yan.”

Ibinahagi din ni Quiboloy na ang bansang Ukraine na mas mahirap pa sa Pilipinas ay mayroong higit na mabilis na internet connection at libre pa.

Giit nito, ang mga galing sa bansang Ukraine ay hindi nasisiyahan kapag nakarating sa bansa dahil dito.

Nasabi ito ng pastor sa kanyang palatuntunang “Give Us This Day,” sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Si Quiboloy ang nagtatag at pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.. Inaangkin niya ang titulong “The Appointed Son of God.”

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagpapatigil diumano niya sa lindol sa Mindanao, na siyang naging paksa ng usapan ng komedyanteng si Vice Ganda kasama pa ang ibang host sa isang episode ng It’s Showtime.

Image by Pastor Apollo Quiboloy and Vice Ganda via Facebook

Pinagtawanan ito ng mga host sa palabas at hinamon ni Vice ang pastor na ipatigil ang apat na taon na sa ereng Ang Probinsyano at ang trapik sa EDSA; na makaraan nga ang ilang buwan ay ‘nagkatotoo’.

Pahayag ng pastor sa programa nitong Powerline sa SMNI, “Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na ‘yung mga programa n’yo?”

Samantala, ibinahagi ni MelTour Vlogs via YouTube ang video ng pahayag ni Pastor Quiboloy:

Source :

PEP, YouTube, YouTube

Loading…