“Red Power Ranger” namataang nagbibigay ng tulong at saya sa Laguna

  • Nagbigay ng saya at pag-asa sa mga bata sa Nagcarlan, Laguna si “Red Power Ranger”
  • Ang nasa likod nito ay si “Red Montefalcon” na isang OFW sa Italy
  • Naabutan umano siya ng lockdown kaya hindi niya sinayang ang panahon at nagbigay na lamang ng tulong

Namataan si “Red Power Ranger” na namimigay ng tulong, saya, at pag-asa sa mga bata sa Nagcarlan, Laguna habang siya ay nasa Pilipinas pa.

Huwag kayong magulat, dahil ang naturang red ranger ay isang Pilipino. Siya ay walang iba kundi si “Red Montefalcon, 33 taong gulang, at isang Overseas Filipino Worker o OFW na sinamantala ang pagkakataong makapagbahagi ng tulong at saya sa mga kababayan sa simpleng paraan.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS CBN News

Ayon sa salaysay ni Red, naabutan siya ng lockdown at travel ban patungong Italy kung saan siya nagtatrabaho. Upang hindi umano masayang ang pananatili niya sa Pilipinas, minabuti na lamang niyang maghatid ng saya sa mga bata upang hindi sila matakot o malungkot sa panahon ng enhanced community quarantine, habang nagbibigay siya ng ayuda. Good vibes lamang daw ang nais niya.

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kudos po! Giving good vibes sa mga kids ay malaking bagay na. I wonder if these generation of kids really know Power Rangers? As a 90’s kid, I grew up watching this kind of show, especially Japanese Mask Man! Haha,” sabi ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Wow… nakakatuwang makita si Red Ranger sa Pilipinas. Sana lang kilala pa siya ng mga kids. Mukhang enjoy na enjoy naman sila, hehehe.”

“Uso ngayon ang paggamit ng mga fictional characters sa movie man o telebisyon para habang nagpapaabot ng tulong, nakapagpapangiti pa ng mga tao. Bagay na bagay pala sa iyo ang name mo, Sir Red!” turan naman ng isa.

Public Domain Image

Ang karakter na si Red Ranger na ginamit ni Red Montefalcon ay nagmula sa palabas na “Mighty Morphin Power Rangers”, isang American superhero children’s television series noong 90’s, at naipalabas din sa Pilipinas. Ginampanan siya ni Jason Lee Scott. Si Red Ranger ang itinuturing na orihinal na pinuno ng Power Rangers.

Loading…