Remdesivir inaprubahan ng US FDA upang magamit na emergency treatment sa COVID-19

  • Aprubado na ng US FDA ang paggamit ng remdesivir bilang emergency treatment para sa COVID-19 patients
  • Bumilis ng 31% ang recovery ng mga COVID-19 patients na ginamitan ng remdesivir
  • Sa ginawang pag-aaral, ang mga pasyenteng binigyan ng remdesivir ay gumaling sa loob ng 11 days, samantalang ang mga pasyenteng hindi ginamitan nito ay gumaling sa loob ng 15 days

Inaprubahan ng United States Food and Drug Administration (US FDA) ang experimental anti-viral medicine na remdesivir bilang emergency treatment sa mga COVID-19 patients.

Screenshot mula sa video ng CBS News

Batay sa resulta sa isinagawang trial sa Amerika, napabibilis ng remdesivir ang paggaling ng mga pasyente mula sa COVID-19 infection. Inanunsyo ni US President Donald Trump ang ibinigay na approval ng FDA sa kumpanya – ang Gilead Sciences – na gumawa ng naturang anti-viral na gamot.

“I’m pleased to announce that Gilead now has an emergency waiver from the FDA for remdesivir. And you know what that is because that’s been the hot thing, also in the papers and in the media for the last little while — an important treatment for hospitalized coronavirus patients,” pahayag ni Pres. Trump

Bumilis ng 31% ang recovery ng mga COVID-19 patients na ginamitan ng remdesivir. Ang ibig sabihin nito ay napabilis ng hanggang apat na araw ang paggaling ng pasyente sa mga ospital.

Sa ginawang pag-aaral sa remdesivir, ang mga pasyenteng binigyan nito ay gumaling sa loob ng labing-isang araw, samantalang ang mga pasyenteng hindi ginamitan nito ay gumaling sa loob ng 15 days. Posible rin umano na nakatulong ang anti-viral drug upang mabawasan ang bilang ng mga pasyenteng hindi nakaliligtas sa virus.

Screenshot mula sa video ng CBS News

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci ng US National Institutes of Health na ito na ang magiging new standard ng pangangalaga sa mga severely-ill COVID-19 patients. Hindi ginamit ang remdesivir sa mga pasyenteng may milder symptoms. Ibinibigay ito sa pamamagitan ng intravenous therapy o injection.

Kasunod ng approval mula sa US FDA na magamit bilang emergency treatment sa COVID-19 ang remdesivir, maraming states sa Amerika ang nagluwag na ng mga alituntunin sa lockdown.

Screenshot mula sa Al Jazeera video

Loading…