Residente sa Balagtas, Bulacan, ipinagmalaki ang ikaapat na dating ng ayuda ng LGU; pang-ulam na, pang-food trip pa

  • Masaya ang mga residente ng Balagtas, Bulacan dahil sa 4th wave ng ayuda nila
  • Bukod kasi sa isang buong manok, bigas, longganisa, at biskwit, may kasama pa itong kikiam at fishball
  • Napa-sana all naman ang mga residente sa nakatatakam na ayudang ito ng LGU

Isa ang lalawigan ng Bulacan sa mga na-extend ang enhanced community quarantine (ECQ). Dahil dito, maraming residente sa probinsya ang nangangailangan pa rin ng tulong, lalo na ang ayudang pagkain, dahil marami pa rin ang hindi makapagtrabaho.

Katulad ng ilang lugar, hindi maiwasang mapaulat ang ilang nakatataas kilay na balita tungkol sa pamimigay ng ayuda. Pero mayroon din namang mga local government units (LGUs) na ginagalingan ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.

Larawan mula sa Facebook post ni Jay-ar Ferrer Aragon

Isa sa mga mapapalad ay ang mga taga-Balagtas, Bulacan na nasa ikaapat na bahagi na ng pagtanggap ng ayuda mula sa kanilang LGU. At ang ikaapat na dating ng food pack ay ginalingan talaga dahil hindi lamang ito pang-ulam, pwede ring pang-food trip lalo na sa mga miss na ang street food.

Ibinahagi ng netizen sa kanyang Facebook account na si Jay-ar Ferrer Aragon ang larawan ng nakabubusog na food pack na handog ng alkalde ng Balagtas sa mga mamamayan. Maliban sa bigas, isang buong manok, longganisa, at biskwit, mayroon ding kasamang sikat na fishball at kikiam ang ayuda.

Swak na swak ito sa mga residenteng miss na ang pagkain sa kanto na hindi muna nabibili ngayon dahil sa ECQ. Pwede rin namang iulam ang mga ito lalo na sa nakasanayan na. Kasama pa ng ayuda ang isang boteng mantika at isang pakete ng asukal.

“Nakaka proud maging BALAGTASEÑO. Yung tipong pag mamalaki mong taga-Balagtas ako o tayo.. Sa kabila nang ating nararanasan ngayon ay patuloy tayong hindi pinababayaan nang ating pamahalaan,” pahayag ni Jay-ar sa kanyang post.

Larawan mula sa Facebook post ng Bayan ng Balagtas FB Page

Dahil dito, agad na nag-viral sa Facebook ang kanyang post. Mayroon na itong 2,000 reactions, 500 comments, at 1,000 shares. Sabi ng mga netizens, mapalad raw ang mga residente ng Balagtas dahil sa pag-aalaga ng kanilang mga opisyal.

May mga netizens nga na mula sa Balagtas na nagbahagi rin ng larawan ng ayudang natanggap mula sa LGU. Masaya sila sa natanggap na ayuda na tiyak na mae-enjoy ng buong pamilya.

Loading…