Restaurant-Zoo sa Japan gumagamit ng animal stuffed toys para sa social distancing

  • May naiiba subalit nakapagpapangiting paraan ang isang restaurant na nasa loob ng zoo sa Japan upang masunod ang social distancing sa kanilang mga customers
  • Naglagay sila ng stuffed toy ng hayop na “Capybara” upang maging palatandaan ng mga kakain dito
  • Noong Mayo 16, 2020 ay muling nagbukas ang mga restaurants sa Japan upang muling magbigay ng serbisyo sa kanilang mga customers

Isa sa mga naapektuhan ng ipinatupad na mga community quarantine ang mga fast food chains at restaurants dahil sa paglilimita sa mga customers na pumapasok dito upang kumain. Ipinagbawal kasi ang pag–dine in o pagkain sa loob, at lumakas naman ang demand pagdating sa pagpapa–deliver.

Kakaiba subalit may ngiting–hatid ang paraang ginawa ng restaurant sa Izu Shabonten Zoo na matatagpuan sa Shizuoka, Japan upang mapanatili ang social distancing para sa kanilang mga customers. Nagbukas na kasi para sa mga customers ang mga restaurants doon noong Mayo 16, 2020.

Public Domain Image

Pinaupo nila ang mga stuffed toy animals na “Capybara” sa bawat mesa upang maging palatandaan ng mga customers sa tamang agwat na kailangang ikonsidera para masunod ang social distancing. Bukod doon, sumusunod din sila sa mga precautionary measures tulad ng pagpapasuot ng face masks at pagbibigay ng hand sanitizers.

Ang Izu Shabonten Zoo ay kilalang puntahan o destinasyon ng mga hayop na Capybara destination. Dahil dito, gumawa sila ng mga Capybara hot bath dahil gustong–gusto ito ng mga naturang hayop, na nagiging atraksyon naman sa mga turista o namamasyal sa zoo.

Ang Capybara o “Hydrochoerus hydrochaeris” ay malaking cavy rodent na likas na matatagpuan sa Timog America.  Ito ang itiuturing na “largest living rodent in the world” na kaanak ng kuneho at daga. Iba–iba ang katawagan nito sa bansang Argentina, Paraguay, Uruguay, at Peru.

Madalas na nananahan ang mga hayop na ito sa savannas, kagubatan, at mga lugar na malapit sa anyong–tubig.  Itinuturing din silang “highly social species” o namumuhay nang pangkat–pangkat, na kadalasan ay mula 10 hanggang 20 indibidwal.

Public Domain Image

Loading…