Richard Poon nagpahayag ng saloobin sa isyung ipinupukol pa rin kina Sam Milby at Piolo Pascual

  • Maraming fans at kaibigan ang natutuwa sa pag-ibig na natagpuan ni Sam Milby sa katauhan ni Catriona Gray
  • Sa kabila nito, may mga kritiko at trolls na patuloy na idinadawit ang pangalan ni Piolo Pascual kay Sam
  • Richard Poon, isang malapit na kaibigan ng dalawang aktor, ang nagbahagi ng saloobin ukol sa pinagmulan ng kontrobersiyang ito

Marami ang natuwa nang ibahagi ni Sam Milby ang ukol sa estado ng kanilang relasyon ni 2018 Miss Universe Catriona Gray. Gayun man, may mga kritiko at trolls pa rin na idinadawit ang pangalan ni Piolo Pascual kay Sam at patuloy na ginagawan ng isyu ang kanilang pagkakaibigan.

At sa pagkakataong ito, nagbahagi si Richard Poon, isa sa malalapit na kaibigan nina Sam at Piolo, ng kaniyang saloobin at pagwawasto sa mga intrigang ipinupukol sa dalawa.

Imahe mula sa Facebook page ni Richard Poon

Ayon sa Facebook post ni Richard, lubos ang kaniyang kasiyahan na nakatagpo na ng pag-ibig ang kabigang si Sam.

Gayunman, ikinalungkot niya ang isang social media post ng isang netizen — ang “Sam Milby’s Taste though” na may kalakip na mga larawan ng mga babaeng naugnay sa kanya at ang nakaiintriga rito ay kasama rin ang larawan ni Piolo.

“Samuel [Sam] is one of the nicest guys in showbiz. So many people will attest to that. Too nice to a fault actually,” ayon kay Richard.

Nagbahagi rin siya ng karanasan noon ukol sa kabutihan ni Piolo at kung paano nito tinutulungan ang mga kagaya nila ni Sam na baguhan noon sa showbiz.

Binanggit din ni Richard ang ukol sa isang akusasyon noon kina Piolo at Sam na hanggang ngayon ay ginagawa pa ring isyu ng ilan.

“I remember in 2007, a certain veteran journalist accused Sam and Piolo of ‘holding hands’ in Sofitel Hotel. My manager Erickson told me, ‘Ang bait talaga ni Piolo… ayaw niyang lumaban,’” paliwanag pa ni Richard. Si Lolit Solis ang tinutukoy nito.

Sa kabilang banda, may nagpayo rin umano kina Sam at Piolo na “You have to fight at certain times or else someone will taint your careers and your characters for life just to sell their stories.”

Sinampahan ng libel nina Sam at Piolo si Lolit, na may 12 milyong pisong danyos.

Sa huli, binawi ni Lolit ang kaniyang naging ulat tungkol sa dalawang binata.

Imahe mula sa Facebook post ni Richard Poon

“I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. Sam, Piolo, I am sorry for the hurt and embarrassment I caused,” ayon sa signed statement of retraction noon ni Lolit.

Matapos nito, binawi rin umano nina Sam at Piolo ang kanilang isinampang kaso.

“Fast forward, here we are today, 12 years after that closed case, mid-2020 in a coronavirus pandemic and lockdown. And some people continue to joke, post, comment, share and insinuate these 2 grown up men had a ‘romantic past,’” ayon pa kay Richard na isang certified #CatSam, ayon sa pagtatapos nito ng kanyang post.

Samantala, bumuhos naman ang mga reactions at comments sa post na ito.

Click the image to see full post
Source :

Facebook, DF

Loading…