Rider na bike ang gamit para mag-deliver sa Las Piñas mula Rizal, hinangaan

Imahe mula Facebook | Almazan John
  • Ibinahagi ng isang netizen ang kasipagan ng isang rider na kumakayod kahit pa bisikleta ang gamit nito
  • Kuwento ni John Almazan, nagulat siya nang malamang nag-bike ang rider niyang si Jhon Bautista mula Rodriguez, Rizal hanggang Las Piñas
  • Dahil dito ay maraming netizen ang humanga sa kaniya

Napahanga ang mga netizen sa isang rider na matiyagang bumibiyahe upang kumita kahit pa bisikleta ang kaniyang ginagamit.

Imahe mula Facebook | Almazan John

Kuwento ng netizen na si John Almazan, nag-book siya ng puwedeng mag-pick up ng isang piyesa at si Jhon Bautista ang tumanggap nito.

“Akala ko motor ang gamit. Bike pala, kaya inabot ng ilang oras,” ani John. Dagdag niya, nagbisikleta ang masipag na rider mula Rodriguez, Rizal hanggang Las Piñas at babalik pa sa Fairview. Sobrang solid. Sobrang idol. Sobrang humanga ako sa batang ito.”

Dahil sa ibinahagi niyang ito ay maraming iba pa ang bumilib kay Jhon. “Ito iyong sinasabing diskarte muna bago reklamo. Kasi kung gusto, may paraan,” komento ni Jeric.

Paalala naman ni K. Gumabon, laging magdala si Jhon ng tubig upang hindi siya ma-dehydrate. “Grabe, ang hirap ng ginagawa mo. Laging mag-pray para always safe sa biyahe,” aniya.

Imahe mula sa Pixabay

“Sana lahat ganiyan mag-isip. Mabuti ang ginagawa. Hindi kagaya ng iba. Basta tiyaga lang po at ingat lagi,” sabi ni R. del Rosario. Dagdag niya, sana ay magkaroon ng maayos na pang-biyahe si Jhon upang hindi siya masyadong mapagod at mas marami siyang maging customer sa isang araw.

Paniwala naman ni Jhun A., sigurado siyang dahil sa pagsisikap ng rider ay uunlad din ito balang araw.

Kuwento naman ng isa pang nag-komento, minsan nang nagtrabaho bilang tindero sa kanila ang rider na ito at likas talaga siyang masipag.

“Namasukan sa amin ‘yan na tindero for almost two years para i-support ang pag-aaral niya. Super mapagkakatiwalaan ‘yan lalo na sa pera at napakasipag kahit bata pa,” pagbabahagi ni J. Mendoza.

Saludo kami sa’yo, Jhon! Nawa’y makapagtapos ka ng pag-aaral. God bless you.

Loading…