Rider ng Foodpanda, 2 iba pa, nabiktima ng ‘fake booking’ sa gitna ng pandemic

  • Viral sa social media ang post ng isang concerned netizen matapos mapag-alaman na may food delivery rider pa rin na nabibiktima ng “ghost” customer sa gitna ng pandemic
  • Sa post ni Bernard Enriquez, sinabi nito na pangatlong beses nang may nagpanggap na si Jane Castro sa kanilang lugar para um-order ng pagkain online hanggang sa hindi na ito bayaran
  • Halos nasa P5,800 naman ang lugi ng Foodpanda rider na pinakahuling biktima ng naturang “ghost” customer

Ibinulalas ng isang concerned netizen ang kaniyang saloobin hinggil sa walang tigil na pambibiktima ng ilang customer sa mga rider ng mga food delivery app sa gitna ng C0VID-19 pandemic.

Imahe mula kay Bernard Enriquez | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Bernard Enriquez sa Facebook noong May 12, ibinahagi nito ang isa na namang insidente ng “fake booking” o hindi pagsipot ng customer sa rider na magde-deliver sana ng pagkain sa kanilang lugar.

“Another victim of food order delivery [fake booking] via Food Panda,” sabi ni Bernard.

“Actually this was the third motorcycle came today to our residential address (9-door apartment) looking for Jane and these items [are supposedly] intended for frontliners,” dagdag niya.

Kuwento ni Bernard, um-order ng pagkain sa Mang Inasal ang customer na nagpakilala sa pangalang Jane Corpuz. Dahil sa dami ng pinabili nito, dalawang beses pa umanong nagpabalik-balik sa restaurant ang delivery boy, ngunit hindi pa rin siya sinipot ng customer.

Sinabi rin ng netizen na nasa P5,800 halaga ang lugi ng Foodpanda rider na siyang pangatlong biktima ng naturang “ghost” customer noong araw na iyon.

Halos ganito rin umano ang naging eksena sa dalawang naunang rider na naghanap kay Jane Castro dahil sa mga in-order nito at hindi binayaran.

“My God! May pandemic or wala nasaan ang konsensiya mo, Jane Castro? Hindi ito gawin ng isang tao!” pangaral ng netizen.

I-click ang imahe para mabasa ang buong post

Nagbigay naman ng update si Bernard sa naturang post. Aniya, maraming siyang natanggap na mga mensahe mula sa mga nais magpaabot ng tulong para sa rider na nabiktima ng fake booking.

Nagpasalamat siya sa suporta na ipinararamdam ng mga kababayan para sa taong naghahanapbuhay nang marangal.

Source :

Facebook

Loading…