Robi Domingo ibinahagi kung bakit ‘di pinayagang mapabilang sa frontline ang mga magulang na doktor

Imahe mula sa Instagram | Robi Domingo at ABS-CBN
  • Personal para kay Robi Domingo ang kasalukuyang sitwasyon dahil sa COVID-19
  • Kapwa mga doktor ang kaniyang mga magulang ngunit hindi na niya pinayagan ang mga ito na maging frontliner dahil mga senior citizen na
  • Isa ring dahilan ay dahil nagkaroon ng COVID-19 ang kaniyang tiyahin na nagtatrabaho bilang nurse

Ibinahagi ng Kapamilya host na si Robi Domingo kung bakit hindi niya pinayagan ang kaniyang mga magulang na kapwa mga doktor na mapabilang sa frontlines sa kinahaharap ngayon na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Instagram | Robi Domingo

Sa isang live chat ay may nagpabati kay Robi na isang Pilipinong nakatira sa UK.  “UK, I have been reading and watching the news lately. Isa sa mga pinakatinamaang countries din. And most of the health workers there are Asians and Filipinos, actually. So I pray for all the families affected by this virus,” aniya.

Kuwento pa niya, personal para kaniya ang pandemyang ito dahil tinamaan ng COVID ang kaniyang tiyahin na nagtatrabaho bilang nurse sa Florida, dahilan upang mahawa ang isa niya pang Tita.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi na siya pumayag na mapabilang sa frontliners ang kaniyang mga magulang na mga senior citizens na rin.

“Yung pus0 ko talaga malapit sa medical practitioners primarily because you know, my parents are both doctors. They are here. They are safe. They are both senior citizens kaya hindi na namin pinayagan kasi yung risk, naroon na,” paglalahad niya.

Imahe mula sa Instagram | Robi Domingo

“But both of my Titas got the virus. They’re okay now. It became personal to us — ‘yung situation. Kasi my Tita who is in Florida and who is a nurse got the virus and nahawa ‘yung isang Tita ko. Nakaka-praning talaga siya.”

Panawagan ni Robi, sana ay magkaisa ang mga Pilipino sa paglaban sa COVID-19.

“I can just imagine the people and the families affected by it. I am with you. I am one with you,” aniya.

“Let’s be together, not in terms of physical presence pero let’s unite as one. I think we will win against this virus if we stick together as Filipinos, not literally, pero sa diwa at sa panalangin.”

Source :

Facebook, Push

Loading…