Sabihin mo salamat Shopee: Sobrang laking facemask na taklob pati mukha, na-order ng isang netizen online

  • Kinatutuwaan ngayon sa social media ang facemask na nabili ng ilang netizens
  • Sobrang laki kasi nito na kayang takluban ang buong mukha ng sinumang magsusuot
  • Sigaw naman ng ilang mapagbirong netizens ang nausong kataga sa Wowowin na “Salamat Shopee!”

Kahit sa panahon ng pandemya, naging libangan pa rin ng maraming Pilipino ang um-order sa mga online store. Ang iba, kung ano-ano lang ang binibili habang ang ilan naman ay ang mga mahahalagang bagay ang inuunang bilhin dahil hindi na rin gaanong makalabas dahil sa umiiral pa ring quarantine.

At isa sa mga item na mabenta ngayon online ay ang facemask. Tila naging bahagi na nga ng fashion at porma ng marami ang mga facesmask kaya naman may iba’t ibang uri at disenyo na ang mga ito para cool pa rin kahit gustong maprotektahan ang sarili.

Larawan mula sa Facebook post ni Jhaysuer Deo

Pero sa isang online shopping site, tila palyado ang order ng ilang netizens sa facemask na natanggap nila. Trending ngayon sa Facebook ang post ni Jhaysuer Deo tungkol sa mga review ng isang facemask na ubod ng laki at hindi lang mukha mo ang matatakluban.

Ilang reviews mula sa mga buyer ang nai-post ni Jhaysuer. Kitang-kita sa review nila dahil sa laki, maging mata nila ay natatakluban na ng mask. Magandang klase naman daw sana ang mask pero talagang hindi magagamit dahil sa laki nito.

Kaya naman ang isa sa mga um-order at nag-review ng produkto, ginawan na lang ng remedy ang facemask. Tinahi na lamang niya ito uli upang sumakto sa kanyang mukha. Ang isa naman ay umaangal na maliban sa napakalaki ng mask ay hindi pa raw iyon ang pinili niyang kulay ngunit iyon ang dumating.

Dahil sa kwelang larawan ng facemask, agad na umani ng 7,600 reactions, 5,300 comments, at 12,000 shares ang nasabing post. Kanya-kanya rin silang komento tungkol sa tila naging kwelang facemask. Sabi ng ilan, pwede naman daw itong gawan ng paraan.

Larawan mula sa Facebook post ni Jhaysuer Deo

Maaari daw butasan na lang ang bahaging itaas ng facemask upang maging literal na maskara ito at makakita pa rin ang magsusuot. Sabi naman ng ilan, sakto lang naman daw ang laki nito. Kailangan lamang daw itong hilahin hanggang sa baba para hindi buong mukha ang sakop.

“I think you’re supposed to wear that down to your chin is fully covered pero laugh trip naman sobra, hahahaha,” pahayag ng isang netizen.

Loading…