Salute! Viral TikToker na si @drbearboss, isa rin palang magiting na frontliner

  • Unang hinangaan ang TikToker na may username na @drbearboss dahil sa kaniyang husay pagdating sa pagsasayaw
  • Madalas mag-viral ang TikTok videos niya dahil sa lambot ng kaniyang katawan at maganang pag-indak sa mga tugtugin
  • Sa labas ng social media, patuloy rin ang paghataw ng netizen sa kaniyang trabaho bilang physician upang makatulong sa mga kababayan

Una nang hinangaan sa social media ang viral TikToker na may username na @drbearboss dahil sa kaniyang husay sa pag-indak.

Image via @drbearboss | TikTok

Isa siya sa mga nagpapatunay na hindi nakikita sa laki o liit ng katawan ang galing ng isang tao lalong-lalo na pagdating sa pagsasayaw.

Mas marami naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa TikToker nang mapagtanto ng netizens na kabilang si @drbearboss sa hanay ng magigiting na frontliner sa bansa ngayon.

Kinilala ang viral TikToker na nasa likod ng username na @drbearbos bilang si Dr. Emil Legarde.

“Legit! Dancer na, doctor pa. Kaway-kaway! Kahit chubby magaling rin kumembot. TikTok marathon bago matulog, pampa-good vibes,” ani Stephanie Monponbanua sa kaniyang Facebook post noong May 7.

Ibinahagi ng netizen ang ilan sa mga TikTok videos ng doctor, kasabay ng kaniyang pagpapahayag ng paghanga rito.

Patuloy ang paghataw nito sa labas ng social media upang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang isang health professional at upang makatulong sa mga kababayan.

I-CLICK ang imahe para sa video

Dahil sa lambot ng katawan at maganang dance moves ni Dr. Legarde, hindi na nakapagtataka kung bakit patok ang dance videos niya sa panlasa ng netizens.

Marami ring netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagsasayaw ni Dr. Legarde, habang ang ilan sa kanila ay patuloy na nire-reupload ang mga video nito sa Facebook.

“Ang galing niya sumayaw. Nakaka-good vibes. Hahahahaha! Emil Legarde, everyone!” ani JW.

“Maka-proud gud talaga si Doc Emil Legarde. Like swear! Sarap kurutin. Follow niyo siya sa TikTok,” sabi naman ni CH.

“Lodi ko po siya. Whoa!” sabi naman ni OAO.

Watch his videos by CLICKING the image below

Loading…