Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, nag-aadjust sa buhay mag-asawa ngayong lockdown

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Sinusulit nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang panahon ng lockdown upang mas kilalanin at makapag-adjust sila sa isa’t isa
  • Ngayong isa nang misis ay marami raw natutuhan si Sarah
  • Pebrero 2020 nang ikasal ang dalawa sa isang secret wedding na nabalutan ng kontrobersiya

Ginagamit na pagkakataon ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang panahon ng quarantine upang mas kilalanin at makapag-adjust sila sa isa’t isa at sa buhay mag-asawa.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Ayon sa ulat ng Push, madalas ding nagba-bonding sina Mr. at Mrs. Guidicelli sa pamamagitan ng pagkanta.

“We both share this passion for music kaya we are happy to part of the Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng  krisis ng COVID-19,” aniya.

Ngayong isa nang ganap na misis ay natutuhan niyang isipin hindi lamang ang kaniyang mga pangangailangan kundi maging ng kaniyang asawa.

“Siyempre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko. Being a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So, I have to attend to his needs,” pagbabahagi niya.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Bukod dito ay napagtanto niya rin daw ang kahalagahan ng pagsuri sa mga binibiling produkto.

Nagpaalala rin ang Popstar Royalty na sana ay gamitin ng mga mamamayan na oportunidad ang lockdown upang maka-bonding ang mga mahal sa buhay.

“Sa halip na nakatuon tayo sa mga negatibong bagay, gumawa po tayo ng paraan upang lalong mas mapaganda ang ating buhay kahit nasa loob lang tayo ng ating mga tahanan,” sabi ni Sarah.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang secret wedding noong Pebrero. Nabalutan ito ng kontrobersiya matapos ireklamo ng guard ni Sarah si Matteo dahil umano sa panununtok nito. Dito na rin lumabas ang ibang detalye ng kaganapan sa kasal kagaya ng pagwawala raw ni Mommy Divine dahil inilihim sa kaniya ito.

Source :

PUSH, DF Balita

Loading…