Sarap buhay no more: Sen. Bato inatasang pisikal na dumalo ng Senate session

Imahe mula sa YouTube | Senate
  • Kailangan nang pisikal na dumalo ni Sen. Bato Dela Rosa sa Senado
  • Ito ay matapos maglabas ng direktiba ng mga kasamahan dahil naging trending ang komento niyang ang sarap ng buhay nila ng mga kasamahan
  • Paliwanag niya, nasabi niya lamang iyon dahil maagang natapos ang kanilang talakayan

Matapos ulanin ng batikos sa social media dahil sa pagsabi sa mga kasamahan na ang “sarap ng buhay” nila ay personal nang pinadadalo si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanilang sesyon sa Senado.

Imahe mula sa PNA

“There is a directive being ordered by Sen. Lacson, Tolentino, Gatchalian, and myself. We are hereby directing Sen. Bato Dela Rosa to attend the session on Monday physically because he is becoming very popular on social media,” sabi ni Senate President Tito Sotto. “So you can enjoy the birthday merienda of Sen. Ping Lacson on Monday.”

“Will comply, Mr. President,” sagot naman ni Dela Rosa.

Hirit naman ng natatawang si Sen. Migz Zubiri, “Tama yun, Mr. President, para ‘yung statement niya pagkatapos, ‘Mahirap na ang buhay’, kasi hanggang alas-10 nandiyan ka pa sa Senado.”

Sina Sen. Sotto, Sen. Ping Lacson, Sen. Francis Tolentino, at Sen. Sherwin Gatchalian lamang ang pisikal na dumadalo sa sesyon habang ang iba naman ay gumagamit ng video conferencing app na WebEx.

Imahe mula sa Twitter | Inquirer

Nang matapos ang kanilang sesyon noong Martes ay sinabi ng tumatawang si Dela Rosa na “Sarap ng buhay. Ganito na lang tayo palagi ha.”

Komento ng netizens, insensitive ang sinabing iyon ng mambabatas lalo na at marami ang apektado ngayon ng COVID-19.

Paliwanag naman ni Dela Rosa, nasabi niya lamang iyon dahil mabilis na natapos ang kanilang sesyon. “Kaya nasabi kong ang sarap ng buhay kasi mas mabilis ang talakayan ng bills kapag naka-WebEx kami at mas maaga matapos ang session,” ani Dela Rosa.

Dagdag niya rin, mas nagiging efficient ang sesyon basta maganda ang wifi signal ng attendees.

Loading…