Sasakyan ni Angel Locsin, designer bag ni Anne Curtis, ipapa-auction para sa mass testing project

Imahe mula sa Instagram | Shop & Share
  • Kabilang ang sasakyan ni Angel Locsin at ang designer bag ni Anne Curtis sa mga sasailalim sa auction para sa kanilang Shop & Share project
  • Ilan pang mga pre-loved items ng mga celebrity ang inaabangan ng netizens
  • Ang kikitain nila ay mapupunta sa mass testing project bilang suporta sa gobyerno

Hindi pa man ganap na nailulunsad ang proyekto nilang Shop & Share ay ibinahagi na ng mga aktres na sina Angel Locsin at Anne Curtis ang mga gamit nilang sasailalim sa auction.

Imahe mula sa Instagram | Shop & Share

Sa Instagram page ng Shop & Share ay ibinahagi nila ang larawan ng 2015 Dodge Durango ni Angel at Chanel Cruise Boy North South Handbag 2019 Collection ni Anne Curtis.

Bukod sa mga ito ay inaabangan din kung ano ang mga pre-loved items ng ibang celebrities na kanilang ibebenta. Ilan sa mga artistang naka-tag sa poster ng Shop & Share ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Vhong Navarro, Solenn Heussaff, at Joshua Garcia.

Paliwanag ng Shop & Share, ang kikitain dito ay mapupunta sa test kits para sa mga hindi ito maa-afford.

“Shop & Share is dedicated to help our fellow Filipinos who need to be tested during this COVID-19 pandemic,” paliwanag nila.

Imahe mula sa Instagram | Shop & Share

“With what we are able to raise, it is our aim to cover the expense for testing kits to the underprivileged who are affected by this global crisis.”

Ginagawa raw nila ito upang makatulong sa ginagawang testing ng gobyerno.

Ayon sa ABS-CBN News, una nang ginawa ang effort na ito noong 2009 nang manalasa ang bagyong Ondoy. Ang kinita mula sa ibinentang designer bags, alahas, at damit ng mga artista ay idinonate sa Philippine Red Cross.

Sa pagkakataong ito ay umaasa raw silang muling magiging matagumpay ang kanilang proyekto. “We pursue this mission humbly, with compassion and kindness in hopes of aiding the government in increasing testing for COVID-19 in our own little way.”

Loading…