Sayang ang effort: NCRPO inamin na palyado ang thermal scanners na ginagamit sa checkpoints

  • Posibleng hindi na gumamit ng thermal scanners sa checkpoints ang NCRPO
  • Sinabi ni NCRPO director Maj. Gen. Sinas na palyado ang mga thermal scanners na gamit nila
  • Inamin ni Sinas na wala pa silang alternatibong gamit na pamalit sa thermal scanner

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas na posibleng hindi na sila gumamit ng mga thermal scanners sa mga checkpoints sa Metro Manila dahil hindi na sila sigurado sa pagiging epektibo nito.

Imahe mula sa PNA

Aniya, nasasayang lang ang effort ng mga nagmamando sa mga checkpoints dahil hindi naman accurate ang “reading” na ibinibigay ng mga thermal scanners na ginagamit nila lalo na ngayong panahon ng tag-init.

“Baka hindi na namin gamitin, lalo na pag umabot ng  9 to 10 a.m. Sobrang init. Nag-suggest mga tao na parang useless ang scanner sa sobrang init. Tinitingnan namin ang suggestions na ‘yan,” pahayag ni Maj. Gen. Sinas.

“Karamihan talaga, lalo na pag naka-motor ka at binuksan mo ang helmet mo, tumataas ang temperature. Dumadami lang ang standby. Kung ganoon, useless, ‘di na pinapakuha. Sayang lang ‘yung effort,” paliwanag niya.

Inamin ni Sinas na sa ngayon ay wala pa silang alternatibo na magagamit na pamalit sa thermal scanners kung sakaling hindi na nila gamitin ang mga iyon.

Ginagamit ang thermal scanners upang alamin kung may lagnat ang mga motoristang dumaraan sa checkpoints upang masawata ang pagkalat ng coronavirus disease.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Noong mga unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, ilang mga frontliners na nagmamando sa mga checkpoint ang nakapansin na rin na hindi accurate ang reading ng kanilang mga thermal scanners.

Karamihan umano sa mga reading ng scanner ay mas mababa kaysa sa normal body temperature na 36-37 degree Celsius. May mga reading na 25, 29 at 31 degree Celsius lang.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Loading…