Sen. Bato ipinaliwanag ang trending na komentong ‘sarap ng buhay’

Imahe mula sa PNA at Twitter | Inquirer
  • Ipinaliwanag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung bakit niya sinabing ang “sarap ng buhay” nila
  • Aniya, sinabi niya iyon dahil mabilis na natapos ang talakayan nila ng mga kasamahan sa senado
  • Umani naman siya ng batikos mula sa netizens na nagsabing ‘insensitive’ ang pagbitaw niya nito

Inulan ng batikos si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa matapos niyang sabihing ang “sarap ng buhay” nila pagkatapos ng regular na sesyon ng Senado nitong Lunes.

Imahe mula sa Twitter | Inquirer

Ngunit paliwanag niya, nasabi niya lamang iyon dahil mabilis na natapos ang kanilang sesyon. “Kaya nasabi kong ang sarap ng buhay kasi mas mabilis ang talakayan ng bills kapag naka-WebEx kami at mas maaga matapos ang session,” ani Bato.

Dagdag niya rin, mas nagiging efficient ang sesyon basta maganda ang wifi signal ng attendees.

Nag-trending ang video clip kung saan maririnig siyang sinasabing “sarap ng buhay. Ganito na lang tayo palagi ha,” habang tumatawa.

Tinawag ng ilang netizens na “insensitive” ang sinabing ito ni Bato lalo na at marami ang naghihikahos ngayon dahil naapektuhan ng quarantine ang kanilang kabuhayan. “Insensitive. Samantalang maraming Pilipinong walang trabaho ngayon dahil sa lockdown. Buti pa siya nasasarapan,” tweet ni G.S.

Imahe mula sa PNA

Paalala naman ni Lester F. sa senador, marami ang hindi na alam kung saan kukuha ng panggastos sa pagkain bukas.

“Tuwang tuwa siya na nasa bahay lang — komportable. Habang ang milyun-milyong bumoto sa kaniya aburido na kung saan kukuha ng kakainin bukas,” aniya.

Sagot naman ng isa pang Twitter user, “bad joke” ang sinabing ito ni Bato. “Work from home din ako pero hindi naman masarap ang buhay ko.”

“Masisita ngayon, iiyak mamaya, ipagtatanggol bukas. The cycle of disappointment,” sabi naman ni JJ P.

“Senator Bato, paano mo nasisikmurang sabihin ang mga salitang tulad ng iyong sinambit sa gitna ng krisis na ito kung saan madaming namamatay at nagsasakripisyo? Hindi ka po binoto ng sambayanan para maging komedyante. Kumilos ka po nang naaayon sa posisyon mo,” paalala naman ng isa pa.

Panoorin dito ang video:

 

Loading…