Sen. Koko Pimentel ibinahagi ang unang family photo kasama ang bagong silang na anak

Imahe mula sa Instagram at Facebook | Koko Pimentel at Kathryna Yu Pimentel
  • Nagbahagi ng unang family photo si Sen. Koko Pimentel kasama ang bagong silang na anak
  • Matatandaang umani noon ng batikos ang mambabatas matapos na samahan sa ospital ang asawang nakatakdang manganak
  • Habang nasa ospital ay nakatanggap si Pimentel ng tawag na positibo pala siya sa COVID-19

Ibinahagi ni Sen. Koko Pimentel sa kaniyang Instagram ang unang family photo nila kasama ang bagong silang na anak na si Helena.

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

“Sharing our first family photo with our ray of sunshine, our baby daughter, Helena. Have a blessed day to all,” sabi ni Sen. Pimentel.

Matatandaang umani ng batikos ang mambabatas matapos niyang samahan sa ospital ang asawang si Kathryna Yu Pimentel na nakatakdang manganak noon.

Paliwanag naman ni Sen. Pimentel, hindi niya pa alam ang resulta ng kaniyang COVID test at agad umalis sa ospital nang malamang positibo pala siya rito.

“She was scheduled to give birth this morning. I received the call from RITM when I was already in the hospital last night hence I left immediately,” aniya

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

Tinawag itong “irresponsible” at “reckless” ng ospital ngunit kalaunan ay humingi ng paumanhin si Sen. Pimentel.

Noong April 29 ay nagdiwang na ng unang buwan ang kanilang baby girl. Noong April 2 naman ay nagpasalamat si Kathryna sa mga staff ng ospital na tumulong sa kaniyang emergency delivery.

“Thank you to all of those who helped us, sacrificed and risked themselves just to save my life and baby Helena. I will be forever grateful to all of you. To the hospital and doctors who really took care of us with open arms, maraming salamat po,” aniya sa isang Facebook post.

“‘Unexpected people’ really helped us during our time of life and death crisis. You are all our angels sent from above. In time po when all this crisis is finished we will pay it forward to all of you.”

Loading…