Senadora Imee Marcos sa taas-singil ng Meralco ngayong quarantine: “Anong K magtaas ng presyo?”

  • Hindi pabor si Senadora Imee Marcos sa pagtataas daw ng singil sa kuryente ng Meralco
  • Ayon sa senadora, mas mababa naman daw ang demand ng kuryente kaya hindi makatarungan ang pagtataas ng singil
  • Bumwelta naman ang Meralco at sinabing mas malaki ang bill ngayon dahil naka-stay at home ang mga mamamayan

Biruan ng mga Pilipino ngayon na kung ang cash aid mula sa social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may pinipili, ang Manila Electric Company (Meralco) naman daw ay walang pipiliin at bibigyan lahat ng bill.

At ang biruan ng madla, nagkatotoo na nga dahil maraming mamamayan na ngayon ang nakatanggap na ng kanilang electric bill. At sa pagtanggap nila ng bill, marami ang napataas ng kilay dahil hindi hamak na mas mataas daw ito sa kanilang normal na bill.

Larawan mula sa PNA

Dahil dito, umalma si Senadora Imee Marcos sa diumano’y taas-singil ng Meralco sa mga consumer sa panahon ng quarantine. Ayon kay Marcos, wala raw karapatang magtaas ng singil ang electric companies dahil bumaba raw ng 30 percent ang demand ng mga nakaraang buwan.

“Anong K magtaas ng presyo? Bumagsak na demand ng 30 percent nitong mga nakaraang buwan, unti-unting tataas sa modified ECQ at GCQ, pero di pa rin full summer load… Lalong walang benta, lalong tataas ang presyo. Di ba dapat baliktad? Pag mahina ang konsumo dapat ibagsak ang presyo?” pahayag ni Marcos.

Hayag pa ni Marcos, maaari naman daw na bumawi na lamang ang Meralco kapag nakabangon na ang ekonomiya ng bansa, at hindi ngayong marami ang nawalan ng trabaho dahil sa quarantine.

Inilabas ni Marcos ang pahayag nang lumabas ang statement mula sa consumers right group na Power 4 People Coalition na marami silang natanggap na reklamo na may mga Pilipinong nagkaroon ng tatlong beses na pagtaas sa kanilang normal na bill sa isang buwan.

Larawan mula sa Meralco

Bumwelta naman ang Meralco at sinabing wala silang iligal na pagtaas-presyo na ginagawa at hindi naman daw sila nagkulang sa abiso sa kanilang consumers na maaari talagang tumaas ang kanilang bill dahil sa ‘new normal.’

Dahil daw naka-stay at home ang marami, mas lalaki ang konsumo ng kuryente. May mga naka-work from home din na kakain ng mas malaking konsumo sa electric bill. Maaari din naman daw bayaran ng apat na buwan ang quarantine bill ng mga consumer.

Meralco gagawing installment ng apat na buwan ang electric bills na sakop ng mga panahong nasa ECQ ang Luzon

Loading…