Shoe designer na si Jojo Bragais, “For Sale” ang mga sapatos bilang tulong sa kaniyang mga manggagawa

  • For sale na ang mga produktong sapatos at bags ni Filipino shoe designer Jojo Bragais
  • Paraan daw niya ito upang matulungan ang kaniyang mga manggagawa at pamilya nito na umaasa sa kaniya
  • Si Bragais ay gumagawa ng sapatos para sa mga beauty queens; katulad na lamang ng national costume boots ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Sa panahon ng pandemya, kaniya–kaniyang isip at pakulo ang mga karaniwan at maging ang mga sikat na tao upang makapag–ambag lamang sa pagtulong at pagkakawanggawa, para sa mga pamilyang lubusang naapektuhan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine upang masugpo ang pagkalat ng COVID–19.

Kaya naman, naisipan ng Filipino shoe designer na si Jojo Bragais na gawing “For Sale” ang kaniyang mga signature brand na pageant shoes, leather bags, at polo shirts upang matulungan ang pamilya ng kaniyang mga manggagawa, na naapektuhan ng ECQ. Makikita ito sa kaniyang Facebook post noong Mayo 12, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Jojo Bragais

“MANDIATORS, Leather Bags! Pageant Shoes, Polos Now On SUPER SALE. #LoveLocal #SupportLocal #ByFilipinovement BRAGAIS SHOES,” ayon sa kaniyang caption.

Kalakip ng post ang mga larawan ng mga on sale niyang mga produkto, na kadalasan ay tinatangkilik ng mga beauty queens. Makikita sa dalawa niyang larawan na may hawak siyang ginupit na karton na kinasusulatan ng mensaheng “I ain’t after income. I’m after supporting my workers and their families dependent on me. We can do this together!”

Bumaha naman ang mga netizens na handang bilhin ang mga produkto ni Bragais. Sabik silang humiling na sana raw ay ipost nito ang price list upang makabili sila. Marami rin ang pumuri sa mabuting kalooban ni Bragais, na nagmamalasakit pa rin sa kapakanan ng kaniyang mga manggagawa.

“God bless your kind heart. We do what we can to help others. Stay safe, Jojo,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “How much po iyan? Bibili po ako and I will support you! God bless po.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jojo Bragais

Para kay Jojo Bragais, katumbas ng kaligayahan ang pagbuo ng mga sapatos. Bunga umano ito ng kaniyang pinagdaanang “most painful heartbreaks” at iwan ang propesyon bilang licensed midwife at nurse. Matapos matuklasan ang mahusay na talento sa paglikha ng mga sapatos, nakilala at tumatak sa kasaysayan si Bragais. Siya lamang naman ang gumawa ng national costume boots ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Source :

Facebook, Preview

Loading…