Singapore nag-install ng maraming vending machines para sa libreng reusable face masks

  • Nagpakalat ng 400 vending machines ng reusable face masks ang pamahalaan ng Singapore
  • Libreng makukuha ng mga residente ang face masks
  • Aabot sa 95% ang filtration efficiency ng ipinamimigay na reusable face masks kahit labahan ng 30 beses

Nagpakalat ang pamahalaan ng Singapore ng 400 vending machines na naglalabas ng reusable face masks na libreng makukuha ng lahat ng residente, bata man o matanda, 24 oras araw-araw hanggang sa ika-14 ng June 2020.

Imahe mula kay Chan Chun Sing

Ang mga vending machines ay ikinalat sa iba’t ibang community clubs sa bansa.

Maaari ring makakuha ng reusable face masks over-the-counter sa mga community clubs at residents’ committee centers. Hanggang sa June 1 lang maaari ang over-the-counter na pagkuha ng face mask.

Madaling gamitin ang vending machine. Pipindutin lang ang on-screen button para pumili ng size ng face mask – pambata o pang-adult – pagkatapos ay kailangan ma-scan ang identification card para makakuha ng bagong face mask.

“It is easier than withdrawing money from your bank. It is just a matter of flashing your identity card to be scanned and the masks come out almost immediately,” ayon sa isang Singaporean resident.

Maganda raw ang materyales na ginamit sa mga face masks dahil mas komportable isuot at kayang mapigilan ang droplets. May three layers daw ito at ang filtration efficiency ay hindi bababa sa 95% kahit labahan ng 30 ulit.

Screenshot mula sa video ng The People’s Association

Hinihikayat na isang family member lang ang kukuha ng face masks para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Dalhin lang ang ID ng mga ito.

Ang proyekto ay bunsod ng kautusan na kailangang may suot na face masks ang lahat ng mga residente kapag nasa labas ng bahay. May multang naghihintay sa mga lalabag.

Screenshot mula sa video ng The People’s Association

Loading…