SM Supermalls, may rapid mass testing sa mga empleyado

  • Magsasagawa ng rapid mass testing ang SM Supermalls para sa mga empleyado nito
  • Sakop din nito ang mga affiliates nila upang matiyak ang kaligtasan ng lahat
  • Mahigpit din ang ipatutupad na precautionary measures sa mga empleyado kapag nasa loob ng vicinity at on–duty

Tila nasabik ang mga avid mall goers nang magbalik sa operasyon ang ilang mga malls subalit may limitasyon pa rin at kailangang sumunod sa mga precautionary measures, ayon na rin sa itinatakda ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa ilang mga lugar upang unti–unting makaangkop sa “bagong normal”.

At dahil itinuturing din silang mga frontliners, nanguna ang SM Supermalls sa pagsasagawa ng rapid mass testing para sa kanilang mga empleyado, upang matiyak ang kaligtasan nila gayundin ng kanilang mga customers, na mas pinipiling gawin ang pamimili ng mga pangangailangan at pakikipagtransakyon gaya ng pagbabayad ng bills at iba pang utilities.

Inihayag iyan sa opisyal na Facebook page ng SM Supermalls.

Imahe mula sa Facebook page ng SM Supermalls

“While COVID-19 testing has not been formally required by the government, the SM Store has taken the initiative with on-going rapid mass testing for its employees and affiliates to ensure the safety and health of employees and customers,” bahagi ng kanilang post.

Sa pagpapatuloy, “Prior to testing, employees are also asked to answer a health survey. Testing is done in batches-employees are mandated to wear face masks at all times, have their body temperature checked upon entry, disinfect their shoes on a foot mat, and practice social distancing at all times.”

Panghuli, “Employees whose results are negative are cleared for work, however, those with positive results will be guided to an isolation area where they’ll be provided further assistance. The SM Store is one with the country in praying for the healing and recovery of all those affected by this pandemic.”

Imahe mula sa Facebook page ng SM Supermalls

Matatandaang hindi nagbigay ng garantiya ang pamahalaan na makapagsasagawa ng mass testing dahil umano sa kakulangan ng budget.

Ibinibigay ng pamahalaan ang desisyon sa mga pribadong kompanya o sektor kung nais mang magsagawa ng mass testing, na mahalaga upang malaman kung sino–sino nga ba ang may bitbit nang virus, lalo na ang mga “asymptomatic” o walang sintomas.

Sa ganitong paraan, mapipigilan ang posible pang pagkalat nito.

Source :

Facebook

Loading…