SMC nag-donate ng 85,000 litro ng petrolyo para sa free shuttle service ng pamahalaan sa frontliners

  • Nag-donate ng 86 liters ng fuel ang SMC sa Libreng Sakay Program ng pamahalaan
  • Sa kabuuan ay umabot na sa 170,000 liters ng petrolyo ang nai-donate ng SMC sa free shuttle program ng pamahalaan
  • Libo-libong frontliners sa Metro Manila ang nabibiyayaan ng libreng transportasyon sa Libreng Sakay Program

Ipinagdiwang ng San Miguel Corporation (SMC) ang Labor Day noong Biyernes, ika-1 ng Mayo, sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 85,000 litro ng petrolyo para sa Libreng Sakay Program ng gobyerno, na nagbibigay ng libreng transportasyon sa libo-libong frontliners sa Metro Manila.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Ang 40,000 litro ng petrolyo ay ibinigay sa Metropolitan Manila Development Authority at ang 45,000 litro ay sa Department of Transportation. Nanggaling ang donasyon sa mga subsidiaries ng SMC na SMC Infrastructure at Petron Corporation.

Ang fuel donation na tinatayang nagkakahalaga ng P2.8 million ay ang ikalawang beses nang pagdo-donate ng dalawang SMC subsidiaries sa Libreng Sakay Program. Sa kabuuan ay umabot na sa 170,000 liters ng petrolyo ang nai-donate sa free shuttle program ng pamahalaan.

“This is our simple way of honoring our brave and selfless medical workers on Labor Day. We want to continue honoring them by helping provide them this convenient, safe, and free means of transportation when they go on duty,” saad ni SMC president Ramon S. Ang.

Imahe mula sa Mindanao Daily News

Bukod sa petrolyo, hindi na rin pinagbabayad ng SMC Infrastucture ng toll fee ang mga sasakyang ginagamit ng mga frontliners na dumaraan sa mga toll roads tulad ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), ang Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), at ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Kamakailan lang, ang SMC ay nag-donate sa pamahalaan ng limang units ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Covid-19 testing machines at High-Throughput Automated Nucleic Acid Extraction machines. Dahil dito ay dumoble ang COVID-19 testing capability ng pamahalaan.

Namahagi rin ang kumpanya ng  54,000 sets ng medical-grade personal protective equipment (PPEs) sa mahigit 100 hospitals at 10,000 PPEs na gawa ng mga local garments exporters sa Philippine General Hospital.

Imahe mula sa Bilyonaryo

Loading…