Smile ka rin! Larawan ng pusa na tila nakikipagtaguan habang nakangiti, nagbigay ng good vibes online

  • Trending ang larawan ng isang pusa na tila nakikipagtaguan sa kanyang amo
  • Pero ang mas kapansin-pansin ay ang napakagandang ngiti nito na nakagagaan ng loob
  • Maraming netizens ang na-good vibes sa larawan at tila na-inspire sa ngiti ni muning

Sa panahong humaharap sa krisis ang mundo, marami sa atin ngayon ang nangungunsumi. Marami ang hindi nakapapasok sa kanilang trabaho at walang kita. May ilan ding suliranin ang kakainin dahil hindi na rin sapat ang perang nasa bulsa.

Gayunman, kahit na tila sinusubok ng daigdig ang pasensya natin ngayon, mayroon pa rin namang mga bagay na nakapagbibigay sa atin ng ngiti at inspirasyon. Ganito ang kuwento sa likod ng larawang viral ngayon sa social media.

Larawan mula sa Facebook post ni Sean Andreus

In-upload ni Sean Andreus sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang pusa na tila nakikipagtaguan. Pero ang talaga namang agaw-pansin ay ang napakagandang ngiti ng pusa na nakasingit sa isang masikip na espasyo.

Kahit marami ang nag-aalaga ng pusa, bibihira lamang makitang nakangiti ang mga ito. Karaniwan kasing mapag-isa o ‘di kaya naman ay may pagkamasungit ang mga alaga nating ito. Kaya naman isang biyayang maituturing para sa marami ang masilayan ang puro at nakaka-good vibes na ngiti ng pusa.

“Yung ang lungk0t tapos nakita ko ‘to,” sabi ni Sean sa kanyang post dahil talaga namang napasaya siya ng nakangiting pusa. At hindi lamang si Sean ang napasaya ng pusa, kundi maging ang mga netizens ay tila nahawa na sa ngiti ni muning.

Habang isinusulat ang kuwentong ito, dumagsa sa 10,000 reactions ang nakuha ng larawan. Kasama pa riyan ang halos isang libong comments at 32,000 shares, ilang araw matapos i-upload ang larawan. Maraming netizens ang talaga namang giliw na giliw sa masayahing pusa.

Larawan mula sa Facebook post ni Sean Andreus

Kanya-kanya silang tag sa mga kakilala na pet lovers din upang ibahagi ang good vibes na nararamdaman nilang dulot ng larawan. May ilan din namang nagbabahagi ng larawan ng kanilang alagang pusa na may nakaaaliw na pose.

May ilan ding nagbibiro na baka raw nanghihingi rin ng ayuda ang pusa pero imbes na mainis o sumimangot ay dinaan na lang sa pagpapa-cute. Baka nga naman madaan sa charm, hindi ba?

Loading…