Social media personality Francis Leo Marcos dinampot ng mga NBI agents

  • Dinampot ng mga ahente ng NBI Anti-Cybercrime Division ang popular na social media personality na si Francis Leo Marcos
  • Nakilala sa social media si Marcos dahil sa kanyang “mayaman challenge”
  • Nahaharap si Marcos sa reklamong paglabag sa Republic Act Mo. 8050 o Revised Optometry Law of 1995

Dinampot ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Cybercrime Division ang social media personality na si Francis Leo Marcos dahil diumano sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8050 o ang tinatawag na “Revised Optometry Law of 1995.”

Imahe mula sa FLM Supporters Facebook page

Ipinahayag ni NBI Cybercrime Division chief Attorney Vic Lorenzo na si Marcos, na diumano ay Norman Mangusin ang tunay na pangalan, ay dinakip ng mga ahente ng kanyang tanggapan umaga ng Martes, ika-19 ng Mayo, sa Quezon City.

Si Marcos ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera ng Baguio City RTC Branch 60.

Nag-ugat umano ang pagdakip kay Marcos sa reklamong isinampa ng Optometrist Association of the Philippines sa Baguio City. Dalawampung libong piso umano ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng social media personality.

Sinabi ni Atty. Vic Lorenzo na may iba pang kasong kakaharapin si Marcos dahil sa mga nakabinbin pang reklamo laban sa kanya.

Ang pangalang Francis Leo Marcos ay nagsimulang makilala ng publiko dahil sa mga video na  ni-livestream sa Facebook kung saan ipinakikita niya ang ginagawang pagtulong sa mga mamamayan na apektado ng COVID-19 crisis.

Imahe mula sa FLM Supporters Facebook page

Sumikat siya dahil sa kanyang “mayaman challenge” kung saan ay hinamon niya ang mga mayayaman na maglabas ng kanilang mga pera upang tumulong sa mga tao sa panahon ng pandemya.

Marami ang humanga sa kanya pagiging pilantropo, subalit marami rin ang nagdududa sa kanyang tunay na motibo at tinatawag pa siyang “scammer.”

Sa pahayag na ginawa niya habang nasa tanggapan ng NBI, sinabi ni Marcos na kapag kumikita siya ay puro pagtulong sa kapwa ang kanyang ginagawa, kabilang na ang pagbibigay ng optimum eye care sa iba’t ibang lugar sa bansa. Isa lang umano ang nakikita niyang dahilan sa pagkakadakip sa kanya.

“Isa lang ho ang tinitingnan ko rito…talagang may tinamaan ho doon sa “mayaman challenge” ko at talaga pong gusto akong pabagsakin,” aniya.

Screenshot mula sa video ni Cheezy Cheeka
Source :

ABS-CBN, Remate

Loading…