Softee Chocomint candy, inalala ng mga batang 90s at 2000s; mayroon pa kayang nabibiling ganito ngayon?

  • Binalikan ng mga netizens ang kanilang matamis na alaala sa isa sa mga sikat na candy noon, ang Softee Chocomint
  • Paborito raw nila ito, kasama ang iba pang variant ng Softee candy na prutas naman ang flavor tulad ng orange at lemon
  • Nagtataka ang ilan kung nabibili pa rin daw ba ito hanggang sa kasalukuyan na nasagot naman agad ng ilang netizens

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang pagbabalik-tanaw ng mga batang 90s at 2000s sa isa sa mga sikat na candies ng noon. Marami ang naka-miss sa Philip’s Coffee Caramel candy na naging sikat dahil sa masarap nitong lasa at sulit na baryang pambili dahil nagtatagal ito sa bibig pagkat mayroong katigasan.

Ngayon naman, isa pa ring candy na sikat noon ang binalikan ng mga netizens. Ngunit kaiba sa Coffee Caramel candy, ang matamis na binalikan nila ngayon ay ang Softee Chocomint candy.

Sa post ni Adela Ambutong sa group na We Are 90’s, makikita ang anim na piraso ng Softee candy.

Larawan mula sa Facebook post ni Adela Ambutong

Tinanong ni Adela kung paborito ng mga ito ang nasabing tigpi-pisong panghimagas at marami naman ang nag-react na umabot sa halos isang libo. Ayon sa kanila, paborito daw nila itong nguyain noong bata dahil sa nag-aagaw na lasa ng tsokolate at mint.

Mayroon ding nagsabi na bukod sa chocomint flavor, mayroon din daw na ibinebenta pa noong Softee candies na prutas naman ang flavor, pantapat daw sa sikat ding candy noon na Frutos. Tanda pa raw nila na iba’t iba rin ang kulay ng mga candy na ito.

Pahayag ng ilang netizens na talaga namang fans ng Softee candies, gusto rin daw nila ang lasa ng Softee lemon, strawberry, orange, pineapple, at melon. Iconic din ang simpleng disenyo ng pabalat nito na naging tatak na rin ng Softee candies.

Ang ilan namang batang kalye o iyong mga lumaki sa paglalaro sa mga lansangan, tanda pa na sa kanilang laro noon na tayaan ng balat ng candy, mahal daw ang halaga ng pakete o pabalat ng Softee candies kaya hindi nila ito malilimutan.

Larawan mula sa Shopee

Ngunit hindi rin maiwasan ng mga nakaka-miss na sa Softee candies kung mayroon pa bang nabibili nito. Hindi kasi tulad noon, hindi na ito madalas makita sa mga garapon ng candy sa mga sari-sari store. Ang magandang balita ng uploader, kabibili lang daw niya ng mga Softee candies sa kanyang kuhang larawan.

At totoo nga ang ibinalita ni Adela dahil sa online store na Shopee, mayroong nagbebenta ng isang pakete ng Softee Chocomint na mayroong 40 piraso sa loob. Nagkakahalaga ito ng P33 lamang at ganoon pa rin ang histura ng packaging nito.

Source :

Facebook, DF News

Loading…