Sosyaling taho: Dahil bawal sa village ang naka-bike, taho vendor ipinasok ang tinda sa pamamagitan ng kotse

  • Trending sa social media ang diskarte ng isang taho vendor para maipasok sa village ang tinda niya
  • Isinakay niya kasi sa kotse ang sisidlan ng taho para makapagbenta pa rin sa mga parokyano niya
  • Naghigpit daw kasi sa village dahil sa pandemya kaya naman dumiskarte ito para makapasok sa nasabing lugar

Patuloy ang paghihigpit ng ilang lugar dahil sa banta ng pandemya. Sa mga exclusive village, maging ang mga nagtitinda ay hindi na basta-basta pinahihintulutang makapasok. Pr0blema ng ilang taga-village na gusto ng iba’t ibang produkto, paano naman daw sila makabibili.

Masuwerte ang mga mamamayang nakatira sa isang village dahil sa diskarte ng isang taho vendor. Para patuloy na makapagtinda, gumawa siya ng paraan upang maipasok sa kanilang village ang tindang taho.

Larawan mula sa Facebook post ni Bryce Vestre

Makikita sa Facebook post ni Bryce ang larawan ng isang taho vendor na nakakotse. Ayon sa caption niya — Village:  Bawal magbenta ang naka-bike.    Manong Taho: K.  [Taho craving finally satisfied.] Kinredito niya sa isang Camille Velicaria- Luna ang larawan.

Nakasakay sa trunk ng kotse ang lalagyan ng taho na kilalang-kilala ng mga taho lovers, kasama ang nakasabit na plastic cups na iconic ding lalagyan ng binibiling taho.

Hindi malinaw kung sa lalaking nagtitinda ng taho ang kotse o sa mga kakilala niya sa village na gusto siyang tulungan. Pero ang malinaw lang ngayon ay napakaraming netizens ang na-good vibes sa tila sosyaling taho ni Manong.

Habang isinusulat ang istoryang ito, wala pang isang araw na naka-upload ang larawan ngunit umani na ito ng 37,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 41,000 shares. Kanya-kanya ring opinyon ang mga nagse-share ng nasabing picture.

Ayon sa ilan, nakakatak0t daw dahil baka sobrang mahal ng taho ni Kuya dahil espesyal ang ginagamit nito para makapaghatid ng taho. Ang ilan naman, ginagamit ang sikat na linya ng mga millennial na ‘slaps0il.’

Larawan mula sa Wikipedia

Sabi naman ng isang netizen na nag-share, mahirap daw habulin ang ganitong taho vendor. Baka rin daw hindi marinig ni Kuya ang mga nagtatawag sa kanya, at baka hindi na rin siya makasigaw ng “taho” dahil nakasakay na sa kotse.

Ang ilan naman, na-good vibes lang talaga sa hatid na diskarte ng lalaki. Batid nilang gusto lang din nitong kumita at mapasaya na rin ang mga customer niyang nagke-crave na sa taho ngayong ilang buwan na rin ang quarantine.

Loading…