Squid ink artist nagbigay inspirasyon sa mga pintor na walang pambili ng materyales

Imahe mula sa Facebook | SWID
  • Pinayuhan ng isang artist ang kaniyang mga kapwa pintor na huwag titigil sa paggawa ng obra dahil wala silang pambili ng gamit
  • Aniya, maraming maaaring maging alternibo dito
  • Ibinahagi niya rin sa kaniyang Facebook page ang kaniyang mga organic painting na ginawa niya gamit ang tinta ng pusit, atsuete, luyang dilaw, at blue ternate flower

Hinimok ng isang artist mula sa Davao ang mga kapwa painter na huwag tumigil sa paggawa ng mga obra kung wala silang pambili ng mga gamit dahil maraming maaaring gamitin bilang alternatibo.

Imahe mula sa YouTube | MARNBROSART

Sa Facebook page na SKWID ay ibinabahagi ni Marvin Tiberio ang kaniyang mga obra na nilikha gamit ang mga bagay na makikita sa kusina o bakuran kagaya ng tinta ng pusit, atsuete, luyang dilaw, at blue ternate flower.

Kuwento niya sa ANC, noon ay acrylic ang kaniyang ginagamit ngunit dahil may kamahalan ay sinubukan niya ang mga ito.

“Look for grasslands, there’s a lot of colorant plants and wild flowers. Squid inks are being thrown by some squid eaters, thinking it’s of no use but it is actually one of the best and strongest dye ever,” paliwanag niya.

Ilan pa sa mga inirerekomenda niya ay putik, lupa, uling, at saw dust.

Imahe mula sa Facebook | SWID

“If you cannot afford expensive brushes, use old toothbrush, fingers, comb, crumbled used papers, used syringe (not medical), used sprayer, basin, strainer and many more to count,” payo niya pa.

Sa lahat ng mga ito, tinta ng pusit ang madalas niyang gamitin sa kaniyang mga likha kaya naman tanong ng mga netizens, hindi ba naiiwan ang amoy ng pusit sa natapos na obra?

Sagot niya sa isang vlog, “May amoy siya pero kapag binasa ‘yung finished na painting nawawala yung amoy ng tinta ng pusit.”

“Cheer up mga ka-sining! Artists are creative and resourceful,” sabi ni Marvin.

Ang galing naman talaga ni Kuya!

Source :

Facebook, ANC, YouTube

Loading…