“Stone paintings” na mga pusa, hinangaan

  • Hinangaan ng mga netizens ang mga nakapintang pusa sa mga bato
  • Mahilig sa mga alagang pusa ang karamihan sa mga Pilipino
  • Tinatawag na “stone paintings” ang pagpipinta ng mga bagay sa bato, gaya ng mga hayop

Isa sa mga kinatutuwaang pets o alagang hayop ng mga Pilipino ang mga pusa. Malalambing din kasi ang mga ito gaya ng aso. Talagang ginagastusan ng ilang mga cat lovers ang kanilang mga pets pagdating sa pagkain, gamot, at iba pang maintenance, at itinuturing pang sariling anak.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga cat lovers ang ibinahaging paintings ng mga pusa ng isang netizen na nagngangalang “James Primo” sa kaniyang Facebook post.

Bagama’t hindi naman niya tinukoy na sarili niya itong gawa, maaaring nakita niya itong ibinabahagi online. Kakaiba kasi ang mga paintings na nasa makikinis na bato. Parang totoo at buhay na buhay ang mga pusang ipininta.

Imahe mula sa Facebook account ni James Primo / Public Domain Image

Ayon sa caption, “The Art of Drawing in Stones.” Hindi naman tinukoy ng netizen kung sino ang aktwal na nagpinta nito sa mga bato, o kung saang partikular na website niya ito nakuha, bagama’t sa pananaliksik, ito ay maaaring galing sa “Pinterest”. Ngunit ang mahalaga, nagdulot ito ng ngiti sa mga kapwa netizens.

Sabi ng isa, “Ang cute naman ng mga cats! Parang mga totoo. Sino kayang artist? Galing!”

“Very talented naman ang painter niyan. Detailed naman ng mga cats. Look at the eyes! Super buhay na buhay ang pagkakapaint,” turan naman ng isa.

Samantala, isang Japanese  naman na nagngangalang “Akie Nakata” ang kinikilala bilang mahusay na stone artist. Nagagawa niyang magpinta ng pigura ng mga hayop, kahit sa maliliit na bato, batay lamang sa hugis o anyo nito. Ayon kay Akie, bata pa lamang ay mahilig na siyang mag–ipon ng mga bato. Noong 2011, sinimulan niya ang pagpipinta sa mga ito.

“Acrylic paint” ang ginagamit niya sa kaniyang mga obra maestra, na kalimitan ay mga hayop ang kaniyang subject. Tunay na kahanga–hanga talaga ang kaniyang mga likha, sapagkat kayang–kaya niyang ipakita ang kaliit–liitang detalye sa mga hayop na pinili niyang ipinta. Makikita ang kanyang mga obra sa kaniyang Instagram at Facebook account.

Loading…