Success! Batang babae, ipinahiram ang cellphone sa kalaro para ibigay sa kanya ang dalang juice sabay inom

  • Trending sa Facebook ang video ng isang batang babae na tila na-bud0l ang kanyang kalaro
  • Ipinahiram niya kasi sa kalaro ang kanyang cellphone para makuha ang iniinom nitong juice
  • Successful naman ang bata sa kanyang plano at nainom ang juice drink ng kalaro

Masayang bahagi ng pagkabata ng marami sa atin ang pakikipaglaro sa mga kapitbahay. Babae man o lalaki, masaya ang alaala sa pakikipaghabulan at iba pang laro sa piling ng mga kaibigan. Ang iba nga ay nadadala sa pagtanda ang relasyong ito sa mga kababata natin.

Ganito ang nakuhanang eksena ng netizen na si Alfdan Peraira sa kanyang Facebook account. Makikita sa video ang kakaibang diskarte ng isang batang babae para makuha ang inuming juice ng kanyang kalaro.

Larawan mula sa Facebook video ni Alfdan Peraira

Makikita sa video na lumapit ang batang babae sa isang batang lalaki. Bitbit ng lalaki ang isang pakete ng juice. Hawak naman ng batang babae ang isang cellphone. Nang makalapit ang batang babae, inagaw niya ang atensiyon ng batang lalaki sa pamamagitan ng cellphone.

Maya-maya pa, kinuha ng lalaki ang cellphone ng batang babae. At bilang kapalit, ibinigay naman ng batang lalaki ang kanyang juice sa babae na talaga namang pakay niya. Nang mahawakan ang juice, agad na ininom ng batang babae at hinayaan niya na lang maglaro ang batang lalaki ng cellphone.

Maririnig sa video ang tawanan ng mga tumutunghay sa diskarte ng batang babae. Ayon sa kanila, mission success daw ang cute na bata at nakuha ang juice na inaasam. Dahil din sa nakaka-good vibes na eksena, agad na nag-viral sa Facebook ang video.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 52,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 32,000 shares. Mayroon na rin itong mahigit 612,000 views mula sa netizens. Kanya-kanya ring komento ang mga nakapanood sa diskarte ng bata na tinawag nilang Oplan Agaw Juice.

Larawan mula sa Facebook video ni Alfdan Peraira

Sabi nila, ito raw ang berisyon ng mga bata sa pagbud0l ng kanilang kalaro. Nakakatuwa raw talagang makita minsan ang kapilyuhan ng mga bata. Marami din ang cute na cute sa batang babaeng madiskarte para makuha ang nais niyang juice.

“Ganito ako noon eh. Talagang nang-uuto ako para makuha ko pagkain ng kapatid ko. Eh puro laruan lang kasi kilala non kaya successful ako lagi,” sabi ng isang netizen na nag-share ng video.

Panoorin ang cute na diskarte ng batang babae sa ngalan ng juice:

Loading…