Sunshine Dizon sa pagpapasara ng ABS-CBN: “Ang lungkot din na wala na kaming katapat!”

  • Nagbigay ng pahayag ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon hinggil sa pag-expire ng ABS-CBN franchise
  • Ayon kay Sunshine, malungk0t din siya dahil wala na raw silang katapat ngayon
  • Nakikisimpatiya rin daw si Sunshine sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang pagkakasara ng ABS-CBN dahil sa napaso nitong prangkisa. Nagsanga-sanga na ng isyu, balita, at memes ang naging paghinto ng pag-ere ng Kapamilya network lalo na ang mga artistang nagsasalita hinggil sa usapin ng franchise renewal.

Pero hindi lang mga Kapamilya stars ang apektado ng balitang wala nang ABS-CBN sa ere. Isa sa mga nagbigay ng opinyon niya ay ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon.

Sa isang panayam sa PEP, sinabi ni Sunshine na nalulungk0t siyang wala na silang kakompitensya ngayon sa ratings.

Larawan mula sa GMA Network

“Tsaka parang ang lungk0t din na wala na kaming katapat! Ano pa ang ano nun… parang… wala nang thrill, wala na!” sagot ni Sunshine sa interviewer.

Giit pa ng GMA Network contract star, kahit naman daw nagtatapatan ng mga programa ang dalawang network, nananatili naman daw silang magkakaibigan sa likod ng camera. Hindi naman daw nila dinidibdib ang labanan sa ratings.

“Ako ang iniisip ko naman parati, for me ha, healthy naman iyong competition na ‘yun eh. Wala naman sa amin talaga, alam mo ‘yun, pag nagkita-kita naman kami sa labas, okay naman… Wala namang nag-aaway-away na pinepersonal ‘yun,” dagdag pa ni Sunshine.

Sinabi rin ni Sunshine na hindi ito ang tamang panahon upang tignan bilang magkakompitensya ang GMA at ABS-CBN. Nasa iisang industriya lang daw sila kaya naman nasa ABS-CBN ang kanilang simpatiya, lalo pa’t maraming trabahador ang nawalan ng kita.

Larawan mula sa YouTube

“Sa mga panahon ngayon, hindi natin dapat isipin, kumbaga, ‘yung mga network wars. Hindi na ‘yan importante because pare-pareho kami ng ginagalawang mundo, pare- parehong nasa isang industriya,” giit pa ni Sunshine.

Hiling niya raw na sana ay madaan sa magandang usapan ang isyu na kinakaharap ng ABS-CBN lalo pa’t mayroon din siyang mga kaibigan mula sa network. Sana raw ay maresolba na ito at mabuksang muli ang pinto para sa mga Pilipinong umaasa sa naturang TV station.

Panoorin ang panayam kay Sunshine ng PEP via YouTube channel nito:

Source :

YouTube, PEP

Loading…