Tambak na kamatis natagpuan ng isang residente sa tapat ng lote sa Nueva Vizcaya

Imahe mula sa Facebook | Tima Tidang Par
  • Ikinagulat ng isang residente ng Nueva Vizcaya ang nakita niyang tambak na kamatis sa bakuran ng kaniyang ama
  • Aniya, marahil ay iniwan ito ng mga magsasaka dahil overripe at mura na ang benta sa mga ito
  • Hiling niya, sana ay magkaroon ng karagdagang ahensya para sa food processing upang hindi masayang ang produkto ng mga magsasaka

Libu-libong mga hinog na kamatis ang iniwan sa harap ng lote ng isang residente ng Pingkian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Imahe mula sa Facebook | Tima Tidang Par

Ayon kay Dr. Tima Tidang Par, anak ng may-ari ng lote, maaaring iniwan ito ng mga magsasaka dahil overripe na at mura ang bentahan nito sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal.

“Sa tingin ko po hindi itinapon e, iniwan. Kasi tinakpan ng dahon ng coconut,” sabi ni Par sa isang panayam.

Dahil mapakikinabangan pa ang mga kamatis ay nagdesisyon siyang ipamigay ang mga ito sa mga kaanak at kaibigan sa mga kalapit na bayan.  Ang iba pa ay ginamit naman niya sa paggawa ng tomato sauce at catsup.

“I also Googled how to make tomato sauce and catsup. I already made a gallon of tomato catsup,” aniya.

Maraming netizens din ang nanghinayang nang makita ang larawan ng tambak na kamatis na ibinahagi ni Par sa Facebook.

“Omg. Luging lugi ang farmers/gardener. Sayang naman ang pagod nila. Nakaaawa. Pagod, hirap, gastos, paano kaya at kailan magiging stable ang kalagayan ng mundo natin,” komento ni O. Anrol.

Imahe mula sa Facebook | Tima Tidang Par

Naging eye opener din umano ito para kay Par kaya naman naisip niyang gumawa ng food products upang makatulong sa mga magsasaka ngayong may kinahaharap na pandemic ang bansa.

Dagdag niya pa, sana ay magkaroon ng karagdagang ahensya ang gobyerno para sa food processing upang hindi masayang ang produkto ng mga magsasaka sakaling may ganitong mga pangyayari.

“Agriculture must be one of the priorities of the government. The Department of Agriculture should [also] help farmers determine the best time table to plant their products,” aniya.

Loading…