Tanong, turo, hatid: Mga tambay may diskarte na raw para kumita ng pera kahit walang trabaho

  • Nagbigay ng ngiti sa social media ang diskarte ng mga tambay upang kumita
  • Nag-aala tour guide kasi sila na may bayad ang bawat tanong, turo, at hatid sa mga estranghero
  • Sa ganito paraan daw ay nagiging produktibo ang pagtambay nila

Sa panahong may kinahaharap na krisis ang bansa, isa sa mga pinakaapektado ay ang mga nagtatrabaho. Marami ang hindi pa rin nakapapasok sa kanilang mga opisina at trabaho dahil may umiiral pa ring quarantine sa ilang lugar. Ang iba naman ay nakalulungkot na natanggal sa kanilang pinapasukan dahil lubos na naapektuhan ng pandemya ang kompanya.

Dahil dito, pinangangambahang marami ang magiging tambay muna hangga’t hindi bumubuti ang sitwasyon. Pero para sa ilang beterano na sa pagiging tambay, hindi pr0blema ang mawalan ng trabaho dahil nakahahanap naman daw sila ng paraan upang kumita.

Larawan mula sa Facebook

Ganito ang laman ng post ng netizen ng Facebook page na RED Vines PH. Makikita kasi ang bago raw na pagkakakitaan ng mga tambay ngayon. Madalas kasing matanungan ang mga ito ng direksiyon kaya naman naisipan nila itong pagkuhanan ng kita.

Sa post ng Facebook page, makikita ang isang tambay na nakapuwesto sa isang gilid sa tabi ng isang puno. Doon ay nakadikit ang presyo sa bawat tanong sa tambay. Sampung piso ang tanong sa direksyon at pagtuturo kung paano ito puntahan.

Nasa 15 pesos naman ang singil ng tambay sa mga estranghero na magpapahatid sa kanilang destinasyon. Matagal na ang larawan at nakuhanan bago pa magkaroon ng quarantine. Pero nagbigay pa rin ito ng good vibes sa mga kasapi ng grupo.

Sa mga page din na una nang nag-upload ng larawan, kanya-kanyang komento rin ang mga netizens tungkol sa diskarteng ito ng mga tambay. May ilang alam ang lugar kung saan kinuhanan ang larawan at kilala pa ang tambay na nakabantay sa kanilang ‘negosyo.’

Larawan mula sa Freepik

Ayon naman sa ilan, puwede raw tawagin ang mga tambay na ito bilang “tourist guide” ng kanilang lugar na gagabay sa mga naliligaw kaya naman dapat lang daw silang bayaran. Curious naman ang ilang netizens kung magkano ang kita nila sa isang araw.

Gayunman, nilinaw ng mga nag-reupload ng video na katuwaan lamang ang post. Layunin lang daw nitong magbigay ng good vibes sa mga netizens lalo na sa panahong may kinahaharap tayong pagsub0k.

Loading…