TikTok dance videos ni Mark Herras, nagdulot ng nostalgia sa netizens

Imahe mula sa Twitter | Mark Herras
  • Muling pinahanga ni Mark Herras ang kaniyang fans sa kaniyang moves nang mag-post siya ng dance videos sa TikTok
  • Nag-trend ang compilation ng kaniyang mga sayaw ngunit pinakanapansin ng netizens ang ‘Average Joe’ na pinasikat ng StarStruck batch 1
  • Hiling nila, sana ay muling mabigyan ng pagkakataon si Mark na bumida sa dance floor

Wala pa ring kupas ang dance moves ng tinaguriang “Bad Boy ng Dance Floor” na si Mark Herras, dahilan upang mapa-throwback ang netizens nang muli niyang sayawin ang “Average Joe,” na pinasikat ng StarStruck batch 1.

Imahe mula sa Facebook | GMA Pinoy TV

Ani Mark, nagulat siya nang mag-trending ang compilation ng kaniyang TikTok dance videos. Ginagawa niya raw kasing pampalipas oras ang mga ito ngayong may umiiral ang enhanced community quarantine.

“Nagulat ako na parami nang parami yung shares hanggang yun nga, nag-trending na kahit sa Twitter. Nakatutuwa na na-appreciate pa rin nila yung sayaw na yun,” sabi niya sa isang panayam sa GMA News.

Kahit pakiramdam niya ay nakakatanda ang sabihang “OG” o original ay masaya raw siyang makabasa ng ganitong mga komento. “Yung iba, tinatawag akong OG. Ang lakas makatanda pero nakatutuwa kasi it has been a while na talagang nakita ako ng mga tao na sumasayaw,” dagdag niya.

Madalas magbahagi ng dance videos si Mark o @markherrasitchybear sa TikTok kung saan may mahigit 670k followers at 1.8 million likes na siya.

Imahe mula sa Facebook | GMA Pinoy TV

Dahil sa muling pagpapakita ng kaniyang dance moves ay maraming netizens ang humihiling na mabigyan siya muli ng pagkakataon na bumida sa dance floor. “Sana maging parte siya ng All-Out Sundays,” ani Claudine L.

“Iba talaga ang original. Parang hindi tumatanda! Ang galing pa rin,” komento naman ni Vanessa G. “Magaling talaga siyang sumayaw kahit noon pa. Wala kang kupas, idol Mark,” sabi naman ni M. Viray.

“Before DJ Loonyo, there was Mark Herras,” hirit naman ni Vlythe A.

Panoorin dito ang kaniyang TikTok:

Loading…