Tingi-tinging kape, asukal, at creamer, takbuhan ng mga coffee lovers noong hindi pa uso ang 3-in-1

  • Binalikan ng mga netizens ang pagiging uso ng mga tinging kape, creamer, at asukal noon mga sari-sari store
  • Ayon sa kanila, ito raw ang takbuhan nila kapag gustong magkape noong hindi pa uso ang 3-1in-1 coffee
  • Mas mura din daw ito at mas madaling timplahin dahil tantiyado na nila ang dami ng kape, asukal, at creamer

Mahilig ang mga Pilipinong uminom ng kape. Kahit mas madalas na mainit ang panahon sa bansa, sige pa rin ang marami sa atin sa paghigop ng kape. Ang ilan, nakahanap ng kasangga sa iced coffee para daw ma-energize sila sa kanilang gawain at hindi antukin.

Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming coffee shop at coffee mixes sa bansa. Bentang-benta rin sa mga Pinoy ang mga 3-in-1 instant coffee mix na nabibili sa mga suking tindahan. Pero bago pa man ito mauso, sa tingi-tinging kape, creamer, at asukal kumakapit ang mga mahilig sa kape.

Larawan mula sa Facebook post ni Jason Yabut

Nagbalik-tanaw ang netizen na si Eson Yabut sa kanyang Facebook post kung saan makikita ang pakete ng kape, creamer, at asukal na laganap noon sa mga sari-sari store. Dahil hindi lahat ay nakabibili ng malalaking pack ng mga kailangan upang makapagtimpla ng masarap na kape, sa mga tingi-tinging produkto umaasa ang marami.

Sa tingi-tinging kape, creamer, at asukal, mabibili ito sa halagang dos pesos  pataas, depende sa laki at produkto. Pero mas abot kaya ito kaysa sa sa isang buong pakete ng bawat isa. Naging tanyag ito sa mga probinsya lalo na noong hindi pa sikat ang instant coffee mixes.

Matiyagang nilalagay sa pack ng mga may-ari ng tindahan ang tingi-tinging kape pack. Habang nanonood ng paboritong teleserye ay nilalagay nila sa maliliit na pakete upang kinabukasan, lalo na sa oras ng almusal ay may pang-kape na ang mga suki.

Marami ang naka-relate sa post na ito ni Eson at umabot sa mahigit 300 ang reactions at 1,500 ang shares. Nagbalik ito ng alaala ng mga netizen lalo na iyong mga nasa lalawigan. Ayon sa kanila, malaking bahagi ito ng kanilang kabataan.

Larawan mula sa Pexels

Madalas daw kasi silang mautusan ng kanilang nanay, tatay, lolo, lola, tiyuhin, at tiyahin na bumili nito. Kung minsan daw, maging sila ay bumibili nito lalo na kung walang ulam. Perfect din kasing ulam para sa ilan ang kape bilang sabaw.

Ayon sa ilan, mayroon pa rin naman daw nagtitinda ng mga tinging kape ngayon kahit uso na ang 3-in-1. Mas gusto pa rin daw kasi ng ilan ana sila ang magtimpla ng kanilang kape para tantiyado na nila ang dami ng asukal, kape, at creamer na ilalagay.

Source :

Facebook, DF News

Loading…