Tipid tips sa pagbuo ng “improvised aircon”, ibinahagi ng isang netizen

  • Nagbahagi ng tipid tips ang isang netizen sa kaniyang Facebook page
  • Ito ay hinggil sa paggawa ng “improvised aircon” 
  • Ang mga kagamitang kailangan dito ay kutsilyo, styro foam, mga plastic tubes, masking o packaging tape, yelo, at bentilador o electric fan

Dahil sa matagal–tagal na ring pananatili ng mga tao sa kani–kanilang mga bahay dulot ng Enhanced/General Community Quarantine, marami–rami na rin ang nakararanas ng pagkainip. Idagdag pa ang pagkawala ng isang tv network na pinagmumulan ng mga paboritong panoorin. Dahil dito, ramdam na ramdam ang init ng panahon.

Kaya naman nagbigay ng mungkahi ang isang netizen na nagngangalang “John Novskie” sa kaniyang Facebook page na “Educational and Health Foundation” kung saan itinuro niya kung paano gumawa ng improvised air conditioner, para sa mga taong walang pambili nito, o kung may pambili man ay hindi makabili dahil sa ECQ/GCQ.

Imahe mula sa Facebook pageb na Educational and Health Foundation

Ayon sa caption, “Mainit ba kamo? Baka ito na ang sagot sa problema ninyo! DIY Aircon! Kakailangan mo lang ng: knife, styro foam, kapirasong tube, masking o packaging tape, electric fan, at ice.”

Bagama’t wala siyang inilagay na mga pasalitang hakbang o panuto kung paano mabubuo ito, madali namang maunawaan kung paano buuin ito sa pamamagitan ng mga kalakip na larawan. Kailangan lamang ihanda ang mga binanggit niyang kasangkapan upang mapabilis ang gawain at hindi sayang sa oras.

Ilagay sa styro foam na kahon ang mga yelo. Butasan ang magkabilang gilid ng mga ito gamit ang mga tube. Pagkatapos, ipasok sa mga butas ang tube upang magmistula itong lagusan. Sunod, gumawa ng malaking butas sa ibabaw ng styroam foam na kakasya ang mukha ng electric fan. Ipatong rito ang mukha ng electric fan, isaksak ito sa kuryente, at presto—may certified improvised aircon na!

Imahe mula sa Facebook pageb na Educational and Health Foundation

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Magawa nga iyan! There’s no harm in trying. Mas practical iyan, tutal marami naman tayong time ngayon to reinvent things like this,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I like the idea! Magtitiyaga ka lang talaga sa paglalagay ng yelo kasi mabilis ding matunaw for sure dahil sa sobrang init.”

Wala namang masama kung susubuking gawin, hindi ba?

Loading…