Tira-tira pero masarap: Nakakain ka na ba ng niremedyuhang tirang tinapay na kung tawagin ay ‘pudding’ o ‘pie?’

  • Trending sa social media ang larawan ng isang uri ng tinapay na gawa mula rin sa tira-tirang mga tinapay
  • Tinatawag daw itong pudding (puding) o pie na laganap sa mga panaderya sa buong bansa
  • Ayon sa netizens, masarap daw talaga ito at talaga namang nakabubusog kaya naman sulit ang pagbili rito

Tinapay ang isa sa mga paboritong kainin ng mga Pilipino. Maliban kasi sa mabigat ito sa tiyan, mura pa at akmang kainin anumang oras. Marami din ang ipinapares ito sa kape, gatas, tsokolate, o malamig na soft drinks para sa mas masarap na food experience.

Dahil din sa pagkahilig ng mga Pilipino sa tinapay, naglipana rin ang mga bakery o panaderya sa bansa. Maliit man o malaki, basta mayroong masarap na gawang tinapay ay dinudumog ng mga suki. Pero hindi lahat ng tinapay na tinda ay nauubos. At dahil kailangang fresh dapat ang mga tinapay na ibebenta, hindi na ipinagbibiling muli ang mga lumang nagawang tinapay.

Larawan mula sa Facebook page na Viral Videos

Ngunit sadyang madiskarte ang mga Pilipino. Imbes kasi na masayang ang mga tinapay na hindi nabili, nagagawan pa ito ng paraan at nagiging isang uri ng tinapay na sumikat din dahil sa masarap na lasa—ang pudding (puding) o pie.

Sa isang Facebook post ng page na Viral Videos, itinampok nila ang masarap na tinapay na puding o pie. Ito ay karaniwang pa-tatsulok ang hugis at kulay pula o brown. Matamis ang lasa nito na nahahaluan ng lasa rin ng iba’t ibang tinapay.

Gawa kasi ito sa pinagsama-samang tinapay na hindi nabili. Hinuhulma at bine-bake ito para maging panibagong lutong tinapay na patok naman sa masa. Mura din ang presyo nito at mas nakabubusog dahil ang mismong pampalasa ng tinapay ay tinapay din mismo.

Dahil sa sarap ng puding o pie, marami ang naka-relate sa post ng Viral Videos page. Nasa halos dalawang libo na ang nag-share ng nasabing larawan at marami din ang nagpatunay kung gaano ito kasarap lalo na kung ipapares sa mainit na kape.

Larawan mula sa Facebook page na Viral Videos

Ayon sa admin na nag-post ng larawan ng puding, sa Surigao del Sur niya raw unang natikman ang tinapay na ito. Pero ayon naman sa komento, laganap na raw ang tinapay na ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may iba’t ibang pangalan.

May ilang netizens din na ibinidang marunong silang gumawa ng ganitong tinapay. Sulit daw talaga ito dahil kahit na tira-tira lamang ang sahog ay hindi naman ito papatalo sa sarap at talaga namang nakapapawi ng gut0m.

Loading…