Titas of K-drama represent: Naalala n’yo pa ba ang seryeng “Irene” na ipinalabas sa GMA noon bago mag-Eat Bulaga?

  • Isa sa mga sumikat na K-drama na ipinalabas tuwing umaga ang Irene
  • Ipinalabas ito sa GMA Network noong 2005 bago mag-Eat Bulaga at tumagal din ng isang taon
  • Maraming alaala ang mga titos and titas of K-drama sa klasikong seryeng ito

Sikat na sikat ang mga Korean drama o K-drama sa panahon ngayon. Mula sa mga Tagalized version sa TV hanggang sa mga ipinalalabas sa mga streaming site, ay talaga namang pinag-uusapan ng madla. Marami din ang napupuyat sa kasusubaybay sa mga paborito nilang serye mula sa South Korea.

Pero para sa mga titas at pati na rin titos, ng K-drama, dumaan ang panahon na kailangan mong abangan ang timeslot ng serye sa TV station para lang mapanood. Hindi pa kasi uso ang YouTube at mga streaming services noon.

Larawan mula sa Facebook page na We Are 90s

Isa sa mga pinakatutukan ay ang K-drama na Irene. Pinagbidahan ito ng aktres na si Jang Seo-hee na may original title sa Korea na Miss Mermaid. Nakarating ang kuwento ni Irene sa GMA Network noong 2005 na ipinalabas bago magtanghalian.

Tumatak ito sa maraming manonood, kabilang na ang mga nanay, dahil sa magandang kuwento ng paghihiganti ng scriptwriter na si Irene sa mga umapi sa kanyang pamilya. Idinaan niya sa kanyang script ang hinagpis at pinaganap sa role ang babaeng nagwasak sa kanyang pamilya.

Naging iconic din ang Irene dahil tumagal ito nang mahigit isang taon sa ere. Dahil marami ang sumusubaybay, nanatili ito sa timeslot na alas-onse y media ng umaga, pagkatapos ng talk show na Sis at bago naman ang noontime show na Eat Bulaga.

Inalala ng mga batang 90s at 2000s ang seryeng ito sa Facebook page na We Are 90s. Bagama’t hindi man daw sila ang sumabaybay, naalala naman nila ang kanilang mga nanay na talaga raw sinubaybayan ang Irene sa GMA.

Larawan mula sa GMA Network

Ang iba naman, tandang-tanda pa na Irene daw ang palabas habang naghahanda sila sa pagpasok sa eskwela. Ginagawa nga raw nilang palatandaan ito para kumilos na at maghanda para sa school. Siyempre, hindi rin nila nalimot ang isa pang serye na pinagbidahan ni Irene.

Noong 2010 naman, ipinalabas ang isa pang mapangahas na drama na pinagbidahan ng aktres na si Irene, ang Temptation of Wife. Tulad ng Irene, naging matagumpay din ang seryeng ito na ipinalabas naman sa hapon na nagkaroon pa ng remake sa bansa.

Loading…