Tom Cruise gagawa ng pelikula sa kalawakan

  • Kinumpirma ng NASA na gagawa ng pelikula si Tom Cruise sa outer space
  • Wala pang inilabas na detalye tungkol sa naturang action-adventure movie
  • Ihahatid ng Crew Dragon spaceship ng Space X si Tom Cruise patungo sa International Space Station kapag sinimulan na ang pelikula

Kinumpirma ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na gagawa ng pelikula ang isa sa pinakamalaking movie stars sa buong mundo – ang American actor-producer na si Tom Cruise.

Screenshot mula sa trailer ng Mission Impossible 6: Fallout

Sinabi ng NASA noong Martes, ika-5 ng Mayo, na kukunan ang ilang bahagi ng pinaplanong pelikula sa loob ng International Space Station sa outer space. Kung sakali, iyon ang magiging kauna-unahang pelikula na kukunan sa kalawakan.

“NASA is excited to work with @TomCruise on a film aboard the @Space_Station. We need popular media to inspire a new generation of engineers and scientists to make @NASA’s ambitious plans a reality,” pahayag ni NASA administrator Jim Bridentsine sa Twitter.

Bago ang ginawang kumpirmasyon ng NASA ay nauna nang naiulat ang pakikipag-ugnayan ni Tom Cruise sa NASA at sa Space X na pagmamay-ari ni Elon Musk para sa isang action-adventure movie na wala pang titulo. Wala pa ring inilabas na detalye tungkol sa direktor, movie plot at kung anong movie outfit ang gagawa ng proyekto.

Screenshot ng tweet ni NASA administrator Jim Bridentsine

Dalawampung taon na ang nakalilipas, ang paggawa ng pelikula sa kalawakan ay napag-usapan na noon ni Tom Cruise at ng batikang movie director na si James Cameron.

“I actually talked to Cruise about doing a space film in space, about 15 years ago. I had a contract with the Russians in 2000 to go to the International Space Station and shoot a high-end 3D documentary there. And I thought, we should just make a feature,’ kuwento ni Cameron sa isang panayam noong 2018.

Inaasahan na ihahatid ng Crew Dragon spaceship ng Space X si Tom Cruise patungo sa International Space Station na umiinog sa Earth kapag kailangan nang kunan ang mga eksena sa outer space.

Imahe mula sa SpaceX/Mission Impossible 6: Fallout
Source :

Syracuse, CNN

Loading…