
- Training area ng mga online s
cammers athackers pinasok ng NBI - Nad
akip ang ilang miyembro ng grupo kabilang ang isang bagong recruit na umamin sa kanilang ginagawa - Sa loob ng isang subdivision sa Imus, Cavite natagpuan ang hideout ng mga sus
pek
Sa kalaboso ang bagsak ng ilang miyembro ng online scammers at hackers matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lugar sa Imus, Cavite na nagsisilbing “training area’ para sa mga bagong recruit na miyembro.

Ang hideout ng grupo ay natagpuan ng NBI Anti-Cybercrime Division sa loob ng isang subdivision sa Imus kung saan sinasanay ang mga recruits.
Kabilang sa training ng mga bagong miyembro ang pag-withdraw ng pera sa mga automated teller machines (ATM) sa pamamagitan ng mga pekeng ATM cards gamit ang mga nakuhang importanteng detalye sa mga bank accounts ng biktima.
“Taga-withdraw lang po talaga ako. Habang nagkwe-kwentuhan, tinuturuan po kami, parang ganon po. May binibigay siya sa aming site tapos ‘yun po, may pinaka-ano po doon na dapat namin i-scam,” pag-amin ng isa sa mga bagong recruit na kinilalang si Jeizyr Nisola.
Nakumpiska ng mga operatiba ng NBI ang ilang computers at maraming online payment account cards. Sisikapin umano ng NBI na makakuha ng ebidensya sa nakumpiskang computer at upang matunton na rin ang iba pang mga miyembro ng sindikato.

Dahil may limit ang maaaring ma-withdraw sa bangko kada araw, ang ginagawa umano ng mga suspek ay nagwi-withdraw sila bago maghatinggabi at ng ilang minuto pagkalipas ng hatinggabi upang mas malaki ang makuha nilang pera.
“Dito nililipat ‘yung pera. Sa gabi mga 11:58 mag wi-withdraw sila. After few minutes ng madaling araw, mga 12:01, 12:02, magwi-withdraw sila para sa bank limit, ma-avoid nila ‘yon para makapag-withdraw sila ng mas maraming pera,” sabi ni NBI agent Jerome Hernandez.
Bukod sa pagwi-withdraw ng pera, may video tutorials na ipinanonood sa mga new recruits kaugnay sa mga paraan upang makakuha ng pera sa ATM.
Noong nakaraang linggo ay nadakma ng NBI ang itinuturong mastermind ng grupo – ang 19-year-old Information Technology student na si Justine Claveria.
