Tropa goals: Minsan ka na rin bang nakipagsabwatan sa kaibigan mo para sabay kayong hindi pumasok sa eskwela at trabaho?

  • Trending sa social media ang usapan ng magkaibigan tungkol sa kanilang pag-absent
  • Dahil hindi papasok ang isa, ay hindi na rin papasok ang kaibigang nagtanong
  • Ayon sa mga netizens, normal na usapan na raw talaga ito ng mga magkakaibigan

Ang mga kaibigan natin ang ating takbuhan kapag may kinahaharap tayong suliranin sa buhay. Sila ang nagbibigay sa atin ng payo, tulong, at lagig nariyan upang damayan tayo sa oras ng pangangailangan. Ang mga kaibigan din natin ang nakaaalam ng kung ano-ano tungkol sa atin na mas nakapagpapatatag ng samahan.

Siyempre, hindi lang naman sa kalungkutan natin kasama ang mga kaibigan. Marami ding masasayang alaala ang pinagsasaluhan ng magkakaibigan. Madalas nga ay magkasabwat ang mga magtotropa sa paggawa ng ilang bagay na pily0, pero nakatutuwa pa rin naman.

Larawan mula sa Facebook page na Page Reads

Ganito ang laman ng post ng Facebook page na Page Reads. Laman nito ay ang conversation ng magkaibigan sa isang messaging app. Ayon sa kanilang usapan, nagtatanungan ang magkaibigan kung papasok ba sila sa trabaho o eskwela na hindi natukoy sa chat.

Pagkatanong ng isa sa kaibigan kung papasok ito, sumagot ito ng hindi. Dahil hindi na papasok ang kanyang tropa ay hindi na rin papasok ang kaibigang nagtanong na karaniwang nagiging laman ng usapan ng mga magkakaibigan, lalo na kapag parehong sinasapian ng espiritu ng katamaran.

Dahil maraming mga sanggang-dikit na naka-relate sa post na ito, agad na nag-viral sa social media ang nasabing usapan. Mayroon na itong 13,000 reactions ngayon, kasama pa ang 32,000 comments, at 61,000 shares.

Maraming magkakaibigan ang talaga namang relate sa usapan. Sa mga magkaklase, lalo na iyong mga nasa kolehiyo, nagkakaroon daw ng ganitong usapan kapag ayaw nilang pasukan ang professor o parehas silang walang ipapasang requirements.

Larawan mula sa Pexels

Para naman sa mga nagtatrabaho, kapag daw napasobra ng gimik kinagabihan o ‘di kaya naman ay malakas ang ulan at hassle bumiyahe dahil baha, dito na raw nag-uumpisang magtanungan ang magkakaibigan kung papasok ba sila.

“Convo ba natin ito? Ganitong-ganito tayo mag-usap eh. Hahahaha. Pareho kunwaring ‘di maganda ang pakiramdam. Pero manonood lang talaga ng series,” pahayag ng isang netizen na nagkomento sabay tag sa kanyang best friend.

Loading…